Saturday, November 12, 2011
TENSION OF THE OPPOSITES
Something's bothering, it's my heart. Not the one that pumps blood all over our system but the one we use figuratively.
Okay, there's this guy that I've known since my senior year in college. We used to text a lot, and hang-out sometime... and he wanted to be my bf.
I do like him, BIG TIME. But because I'm insane, I dumped him.
Not that I intentionally wanted him to go away, I just thought that we should not rush things up and wait until my graduation. Our communication stopped (or rather paused).
A month ago, I received a message on facebook.
It's him.
He asked for my number (again).
I did expect him to text immediately, but to my disappointment he did not...
Last week I received an sms saying, "hi".
I had no one in mind who would that person be and to my surprise it was him.
We met at SM Megamall just so we can catch up.
As I have observed, nothing much change in him.
He just grew his hair and gain some muscles but he's still the musikero, komikero and bolero guy that I knew.
When it comes to him it's as if I'm not myself.
I admit that I'm clumsy and weird (around my friends) but when he's around I become all the more.
So where's the tension?
Did I mention that I like him? Oh yes I did. Forgive me, it's just that I really like him. Yet, I've always been pushing him away though all I wanted is that for him to be by my side. I feel like I'm not the type of person whom he'll be serious with. I don't want to be attached with him for I know that I'll be hurt, one way or another. I don't trust myself in situations like this so I tend to build walls.
It's been a few days since we met yet I haven't received a single text message from him. At first I assumed that he just don't have a load but thinking deeper it came to my understanding that he'll never message me again. Until I received a text from him saying, "wag ka na nga magtext". And so I did not reply.
He'd done this before, left me hanging.
I'm so stupid to let him to it again.
I'm so dumb to fall for him again.
I've seen this coming but I can still feel pain.
It sucks.
There were times that I shed some tears, even that I'm still at the office.
I can't help it. It hurts.
But those tears won't change anything.
Though somehow it reduces the agony.
There's nothing left to do but to gather myself back and move forward for the world will not stop rotating and revolving just because of him. I made it through without him for almost 20 years, so I can make it through the coming years.
Monday, November 7, 2011
Here I go Again
Ewan ko ba, iba ang dating sakin kapag ang lalaki magaling humawak ng instrumento at ibang klase ang sense of humor. Mahilig din kasi ako sa musika kahit na walang hilig ang musika sakin. Okay din naman ang sense of humor ko (para sakin).
Meron kasi akong ka-MU (malaswang ugnayan) nung college.
Siya si Krio. Musikero at komikero.
Kung di ko pa naku-kwento sa inyo, nakilala ako ni Krio sa nameplate ko.
Hindi yung nameplate tulad ng sa elementary at high school, yung pang-college naman.
Nakakasabay n'ya ko sa jeep tapos hinanap nya ko sa Facebook at in-accept ko at dun na nagsimula ang landian namin.
5 years ang tanda nya sakin, sa PUP din sya nag-aral.
Ewan ko ba kung normal na sakin ang mabilis na magtiwala sa mga tao.
Hinayaan ko lang s'ya na mapenetrate ako. Nagpapasok ako ng bagong tao sa buhay ko.
I don't know if what I had for him is Love.
O purong landian lang.
Parang kami, pero hindi.
Nagdedemand sa isa't isa pero walang commitment.
Kabaliwan.
Kaya naisip kong itigil na ang laro.
Nag-away kami, gusto n'ya na kasing seryosohin.
Ayoko pa.
Nagalit s'ya.
Nainis ako.
Nag-break kami.
By that, I mean we cut our communications.
Binura ko digits n'ya.
Kahit kabisado ko.
In-unfriend ko siya sa Facebook.
Pero nag-send din ako uli ng friend request.
In-accept naman n'ya.
Tae. Ang gulo ko lang di ba?
Last month, may pinost s'ya na link.
Napansin ko sa newsfeeds eh.
Natripan ko, ni-like ko.
After a while nag-message sya sakin.
Nangangamusta.
Nanghingi ng number.
Nagtanong kung may boyfriend na ko.
Nararamdaman ko na bumabalik na naman kami sa dati.
Ganun na naman ang set-up.
Hinayaan ko lang. Kasi baka assuming lang ako.
Na talagang gusto lang n'ya makipagkaibigan uli.
Lumipas ang mga araw wala paring Krio na nagtext sakin.
Inisip ko na nakalimutan na nya kaya kakalimutan ko nalang din na nagbigay ako ng number sa kanya.
But at the back of my mind, I really want him to send me a message.
Kahit, "Hello, si krio to. Save mo number ko ah. Bye.".
Pero wala.
Last Friday may nag-text sakin, "hi."
And to my surprise it was him.
FINALLY!
He texted me and asked if we could meet...
Ayoko magpakaimpokrita kaya aaminin kong natuwa talaga ako.
Though I'm not really sure if that's him, nakita ko lang yung pangalan n'ya nagtiwala na agad ako.
Ewan ko ba, ang tanga ko lang di ba?
Pero ginabi ako kasi kailangan kong mag-ot.
So, nalate ako.
I texted him.
Pero nainis lang ako kasi may nareceive akong message na "manloloko ka pala!"
Sinabihan na naman n'ya kong manloloko.
Hindi ko naman din s'ya masisi kasi niloko ko nga s'ya dati...
In a way, pinaasa ko s'ya, nilandi.
Ang dami kong text sa kanya pero hindi s'ya nagrereply.
Sobrang inis ko nun, gusto ko ng umiyak.
Buti nalang ka-text ko si shin kundi baka humihikbi na ko habang naglalakad sa megamall.
Later that night nag-text na naman s'ya.
Sabi n'ya delayed daw lahat ng messages ko.
So, ako ang may kasalanan?!
Inisip ko na baka nga nagsasabi s'ya ng totoo.
Ayoko rin naman maging OA so I acted cool.
Itinulog ko nalang ang gutom at pagod.
Ngayon magka-text ulit kami.
Ewan ko ba kung bakit paulit ulit ko s'yang pinapatawad,
Marahil kasi paulit ulit s'yang nagkakamali.
Ewan ko rin kung bakit lagi ko rin s'yang pinagkakatiwalaan,
kahit wala na minsan sa lugar.
Alam ko naman na hindi ako mauubusan ng lalaki pero bakit pagdating sa kanya natatakot ako na baka mawala s'ya.
Sadyang tanga lang siguro ako...
Paunawa:
Walang halong katotohanan ang akdang ito.
Maniwala tanga.
Tuesday, August 16, 2011
OFFICE ROMANCE
Bawal magkaroon ng intimate relationship among co-workers, in short bawal "ma-issue".
Hindi naman talaga ako tsismosa, may mga bagay na sadyang di mo iniiwasang hindi marinig. Halimbawa nalang si ma'am ganito, may kaluguyong ganun kahit may asawang ganyan o di kaya si ganito may crush kay ano pero parang bakla. Madalas din ang mga tsismis na tulad ng si ganito kaya pala magreresign kasi nabuntis ng ano nya pero di pa kasal at pinaiyak ni ma'am ganito si ma'am ganyan dahil kay ma'am ganun.
But anyways, punta tayo sa totoong tsismis ko.
Ewan ko ba, nilalayo yata ako sa tukso ng God at hindi nya ako pinunta sa lugar kung saan madaming gwapong lalaki. Para nga naman makapagtrabaho ako ng matino. Pero may crush ako dun sa isang MIS (IT). Matangkad, chubby, singkit, maputi, mabango... tamang tipo ko talaga. Pero may suot ng singsing kaya di narin ako masyadong umaasa. Tas meron pa kong isang hinahangaan, sa MIS din. Kabaligtaran naman sya nung isa, moreno, sapat lang ang taas, payat.. pero humorous, approachable at may dimple. Pwede na din. Kaya lang I'm too young for him. Tsaka di nya ako type.
But then again, may isa kong ka-opisina na tinutukso sakin. May "crush" daw sakin. Okay naman si sir, mukhang mabait, calm, masarap daw magluto... pasado nang boyfriend. Pero ayoko. Not that I don't like him, I just don't know if he'll be worth my time to spend with. O hindi ko lang maamin na hanggang ngayon umaasa parin ako kay Uhmm alam mo na.
Tsaka, may memo kaya! Bawal magkaroon ng MU (Malaswang Ugnayan) sa office baka ma-"principal's office" pa ako. Wasak ang buhay.
Friday, June 24, 2011
BF
Apat na taon na rin pala akong walang boyfriend. Ewan ko ba, maprinsipyo kasi akong tao. Pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend sa college kung di lang din "s'ya". Like I'm reserving myself for that special person but it turned out that he has someone special already.
And I also believe in our church's "Season of Life". In this we are taught that there are 3 seasons of life; "time to learn", "time to earn" and "time to marry".
Kaya halos lahat ng tukso/manliligaw (meron naman kahit papano) sakin noong college ay iniwasan ko. Ang hirap no'n ah, alam mo 'yong gustong gusto mo'ng may maghahatid, manlilibre ng pagkain, katext/kausap hanggang madaling araw, kalandian, sumbungan at kung anu ano pa pero kailangan mo s'yang i-give up para sa mga priorities mo. Yung tipong mapapasambit ka nalang ng, "Sana hinintay mo ko, malapit na naman ang graduation. Ba't ang bilis mo'ng nakahanap ng iba?"
Nanghihinayang ako minsan pero saglit lang din. Kapag kasi naaalala ko yung mga yun, bigla nalang nagpa-pop up sa utak ko ang thought na hindi ko sila/s'ya kawalan. Iniligtas ako ng God sa maling tao kasi ayaw Niyang mas masaktan ako.
But that's not the case, iba na ngayon kasi graduate na ako. Legal na akong magkaroon ng "kasintahan". Ngayon pa'ng parang ramdam ko lahat ng kalungkutan at pressure... Lalo na ngayong malamig na ang panahon. Normal lang naman siguro na mag-long ako sa gano'ng klaseng affection. Psychologically, that's normal sa mga batang lumaki na hindi kumpleto ang pamilya. Itanong mo pa yan sa doktor.
Alam ko naman na maraming nagmamahal sakin, nandyan ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang mga kasama ko sa cellgroup (bible study) at ang God... pero kasi deep down in me nandoon yun pagsusumamo ko na magkaroon ng "labidabs". Si Adan nga eh, naramdaman ang ganitong klase ng emptiness. Biruin mo, kaibigan n'ya lahat ng mga hayop tapos close pa s'ya kay God pero di n'ya agad nahanap ang "suitable helper" n'ya. I feel his pain.
Sabi sakin ng leader ko sa cell group na in God's time dadating din s'ya. Pero kelan? Kapag pagod na akong magmahal? Naiinip na talaga ako. Ba't di pa kasi s'ya manligaw ngayon, graduate na naman ako ah... O baka kasi hindi pa s'ya handa o hindi pa s'ya graduate? Ang tagal mo naman, sa tingin ko kasi kailangan na kita ngayon eh.
Gustong gusto na kitang makilala. Gusto ko rin makilala ang magulang mo, hawakan ang iyong mga kamay, yakapin ka ng mahigpit, patawanin ka, tignan ka ng direkta sa mata, hawiin ang buhok mo, amuyin ang kili-kili mo kahit pa ang utot mo. Gusto na kita makasama kaya nalulungkot ako ngayon kasi wala ka parin.
Kailan ka ba dadating?
Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob para umamin?
Kailan pa?
Kailan ba?
Sana ngayon na.
Tuesday, May 31, 2011
WILL YOU MARRY ME?
Dulot na rin siguro ng unlimited spare time kaya napadpad ang isip ko sa ideya kung bakit nga ba wala akong boyfriend.
Point 1.
Naalala ko tuloy nung sinabe sakin ni Tian na, "di ka naman panget, eh bat wala kang boyfriend?". Tama naman sya, di ako ganun ka panget, pero di rin naman ako maganda. Sa panahon kasi ngayon, unang tinitignan ng lalaki ang pisikal. Mas prefered nila yung maganda, sexy, maputi, makinis... Believe me, I know, ang dami ko kayang pinsan at kaibigang lalaki. Endangered species na yung mga lalaking manliligaw dahil mabait, matalino, masipag at may humor... Yung tinatawag na good character and attitude.
Kaya kung ikaw/yang bf mo yung isa sa mga endangered specie, mag-ingat kang mabuti, baka mabawasan kayo eh.
Point 2.
Isa pang dahilan eh mas lalaki pa ako kumilos kase sa ibang mga lalaki dyan. Ang mga lalaki naman ay di naaattract dun sa mga katulad nila. Kaya ang tingin lang siguro ng ibang lalaki sakin ay "buddy", "dude" or "bro". Haha! Pero parang mas masarap din kasi magkaroon ng mga guy-friends, kasi para silang mga aso... LOYAL.
Point 3.
Mataray kasi ako kapag may topak. Eh madalas akong tinotoyo. Minsan nga naaawa ako sa mga taong nasa-sampolan ko ng kamalditahan ko eh. Pero the good thing is nag-sosorry naman ako agad.
Point 4.
Chossy kasi ako.
Aba! Ikaw ba naman pipili ka ng boyfriend na tambay? Na mukhang adik? Na walang trabaho? Ayokong sayangin ang sarili ko sa taong feeling ko ay magiging unworthy para sakin.
May mga nanligaw at nanliligaw naman sakin, kaya lang ang tingin ko kasi lahat sila ay "wrong answer".
Ako kasi yung tao na tipong, "I won't settle for less if I know I can have more/ the best."
Point 5.
May hinihintay kasi ako, though I know na wala na akong dapat hintayin kasi meron na syang "special someone". I know, I know I'm a bit stupid, martyr and hopeless romantic pero ganun talaga ang nararamdaman ko eh. Actually, feeling ko I'm over him na kasi di na ako umiiyak kapag naiisip kong may mahal na syang iba, maybe what I can't get over is the fact that no one, still, can surpass him (his attributes, character, humor and trippings) in my heart. All I know is that time will come when I'll meet someone more than him. I just don't know when. Kaya i'm saving myself for that special person.
Point 6.
The last reason would probably because natatakot sakin yung mga lalaki kapag tinatanong kong "Papakasalan mo ba ko?"
Ako kasi ayoko talagang nag-aaksaya ng oras. Time, for me, will always be the best kind of investment a person could make. Napakalaki ng risk involve dito. Sayang kasi yung oras kung halimbawa magiging kame tas at the long run we'll realize that we have differences that can never be sort out. Sayang.
Marami rin kasing lalaki ang ayaw ng commitment, label, or whatever excuse they want to name it. Eh ako, gusto ko ng commitment at label. Just for the sake of clarity. Para diba, alam mo kung saan ka nakatayo.
I know that if I keep on living with these points, wala akong makitang boyfriend. But who really needs a boyfriend. I know what I need. What I need is a man who could understand my otherside and is wiling to accept them wholeheartedly, without prejudice, because those things make me who I really am.
Looks like I have to wait for an eternity before I'll meet this guy. Or maybe, all I need is a head turn because he's just behind me.
Wednesday, May 18, 2011
KILALA KO PA BA SARILI KO?
Recently, sinubukan ko uli ang application na yun. Si shin kasi eh, sabi nya tamang tama daw yung sinabe sa kanya para sa work nya. Kaya sinubukan ko rin, baka sakaling may sabihin rin tungkol sa magiging kapalaran ko sa trabaho (ginawa ko pang manghuhula ang application na yun).
Nagulat talaga ako nung nabasa ko yung "On this day, God wants you to know...". Wala talagang relasyon sa trabaho, tungkol sa "pag-ibig". Kung ano pa ang pinakahindi ko inaasahan.
"that everytime you pretend to love, you impoverish yourself more and more. Love has great potential to enrich your life. But if you are just playing a role, pretending to love, it's only going to poison you. Because you are teaching yourself that it's just a game, and slowly but surely you will lose the capacity to open in love."
Parang nakarinig ako ng malakas na GONG nang nabasa ko ito. Hindi ko talaga ine-expect na yan ang mababasa ko. Namangha talaga ako sa technolohiya ngayon, parang alam na alam kung ano ang laman ng isip at puso ko. Biruin mo yun, na stipulate ng program kung ano talaga ang nangyayari sakin.
Napag-isip akong mabuti kung tama ba ang computer.
Oo. Tama. Ganoon nga marahil.
Kaya pala.
Gawain ko talaga na i-analyze lahat ng nangyayari, kaya madalas kong nao-over analyze ang lahat ng bagay.
Ang napagtanto ko, masyado na akong nakaramdamang sakit. Sakit na hindi dulot ng karamdaman kundi ng sugat sa puso. Hindi yung puso na nagpa-pump ng blood but the heart that can feel love.
Sa totoo lang, natatakot ako kasi parang hindi ko na alam kung ano pang ibig sabihin ng pagmamahal. Though alam ko ang definition, ano pang silbi ng Google, parang hindi ko na ma-express.
Hindi ko alam kung totoong pagmamahal ba ang nararamdaman ko o akala ko lang na nagmamahal na ako.
Ano ba talaga ang pagmamahal?
Parang dati alam na alam ko to, pero ngayon para akong si Tarzan na tinuturuan ng ABC.
MANGMANG.
Broken hearted ba ako?
Hindi...
Hindi lang broken,
shattered, pulvorized, dissolved at totally dissiminated and puso ko. Kaya marahil sumuko na ako sa pag-ibig.
Kaya natatakot talaga ako na baka malapit na akong dumating sa punto na fake na ang pagmamahal ko, na hindi ko na kayang magmahal ng totoo, ng tapat at buo.
Ayoko ng ganung buhay.
Ang lungkot.
Impyerno ang buhay ng taong hindi na marunong magmahal ng totoo.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, dapat na talaga akong tumawag sa emergency hotline... J-E-S-U-S.
Wednesday, April 27, 2011
I WANT TO HOLD YOUR HAND
Oh yeah, I'll tell you something
I think you'll understand
When I say that something
I want to hold your hand
I want to hold your hand
I want to hold your hand
Oh please say to me
You'll let me be your man
And please say to me
You'll let me hold your hand
You'll let me hold your hand
I want to hold your hand
I want to hold your hand
I want to hold your hand
I want to hold your hand
Kung meron akong isang banda na pinaka-paborito yung ang The Beatles.
Ewan ko ba, gustong gusto ko ang mga kanta nila. Though hindi pa ako buhay nung nag-umpisa ang banda nila. Ganun kasi ang mga tipo ng kanta na gusto ko.
As you all know, may gusto ako sa isang tao na may iba ng mahal.
One-sided love kumbaga. I don't want to be a hypocrite and pretentious not to say that I still want him.
Ngayon parang broken hearted ata sya o may problema lang.
Di ko lang sure, yun kasi ang conclusion na nabuo ko sa kaka-stalk sa profile niya.
Oo, isa ako sa mga dakilang stalker.
Gustong gusto ko hawakan ang kamay niya ngayon at sabihin na magiging ok din ang lahat.
Pero hindi maaari. Di naman kami...
I really want to comfort him, but I can't. I feel awkward.
Gusto ko rin syang yakapin ng mahigpit.
Yung tipong matagal na matagal.
Siguro, kung mayayakap ko sya, hindi ako ang unang kakalas.
Tatabihan ko sya sa pagtulog para hindi na nya maramdaman na nag-iisa siya.
Lalambingin ko sya hanggang sa mawala ang init ng ulo niya.
Hahayaan ko na dumantay siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Gagawin ko ang lahat para sumaya lamang ang aking sinta.
Pero hindi ako ang kailangan niya.
Kahit mag-volunteer pa ako, di parin yun magiging epektib dahil iba ang gusto niyang mag-alo sa kanya, yumakap, tumabi, lumambing at pumunas sa mga luha niya.
Hindi ako.
Iba.
Ayoko ko ng magpakamartir at umasa pa kasi alam kong mas masaksaktan lang ako sa huli.
Alam ko naman na kusang mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya at darating ang oras na makikilala ko ang taong para sakin.
TULOY PARIN ANG BUHAY.
Thursday, April 21, 2011
DEAR FUTURE HUSBAND,
Dapat "Future boyfriend" ang endearment na gagamitin ko, but I had this idea na ang boyfriend-girlfriend relationship (BGR)ay may hangganan not like that of sa husband and wife or the so-called marriage.
Hindi na dapat ako maniniwala sa marriage, pero n'ong naisip kita, naniwala na ako uli... kawawa ka naman kasi kung di mo ako makakasama.
Ang korni ko ba kasi may ganito akong letter/blog post? marahil nga. Pero di ba... ang sweet ko kaya, hindi pa tayo may love letter na ako para sayo. :)
To tell you the truth, I'm a little sad kasi di kita kasama sa mga oras na 'to. but the thought that we'll be together at the end excites me.
Nasan ka ba ng araw na 'to? Ako, nandito lang sa bahay. Holy Week ngayon dapat nagninilay nilay ka rin. Magsisi ka na sa lahat ng kasalanan mo!
Kelan kaya tayo magkakakilala? O kilala na kaya kita? Are we friends? Schoolmate? Classmate? Churchmate? Checkmate. Ang dami ko pang gustong itanong sayo pero next time nalang.
Alam mo ba, tuwing sasakay ako ng jeep o kaya ng bus, o ng lrt o mrt o kahit sa elevator, escalator, kahit nga siguro kapag naglalakad ako kung saan-saan ay iniisip ko kung nakita na kaya kita, nadaanan, nabunggo, natarayan, naabutan ng bayad, natisod... iniisip ko kung sa mga pagkakataon na yun isa ka ba sa mga taong nakasalamuha ko.
Napakalawak ng Makati, Pasig, Manila, Luzon, Pilipinas, Asya... ng mundo. Pero kahit gaano pa ito kalawak sigurado akong magkakakilala tayo, mamahalin mo ako, mamahalin kita at magpapakasal tayo... sa tamang panahon.
Siguro ngayon, hinihintay mo rin na mag-krus ang landas natin o di kaya ay nasa piling ka pa ng iba o pwede din na nandyan ka lang sa tabi-tabi at nag-iipon ng lakas ng loob. *Laughs* Ano kayang ginagawa mo ngayon? Iniisip mo kaya ako? Marahil... HINDI.
Hey future husband, gusto mo bang malaman kung ano ang ine-expect ko sayo, kung ano ang pinagdarasal ko kay God...
I pray to the LORD that I'll meet someone whose heart is like HIM. Syempre dapat mabait ka kasi mabait ako. Gusto ko parehas tayong naggo-grow in faith. Another thing is that you should be hardworking para umasenso tayo sa buhay (dapat yumaman tayo dahil marami tayong gagawing charity works). Okay lang kahit di ka sweet, may history ang family namen ng Diabetis, tama ng ako nalang ang sweet. *laughs* I do hope na mahilig ka din sa basketball, dapat fan ka ng Lakers kasi ako fan ng Celtics. Masaya yun kapag play-off season, may thrill. May it also be that mahilig ka sa music, arts at photography para marami tayong common denominator. Mahaba talaga ang listahan ko ng "what-an-ideal-husband-should-be" pero kapag swak ka na dun sa una, kahit hindi na sa iba (pero mas maganda parin kung marami tayong common denomintor).
Hey future husband, anong ine-expect/ipinagpe-pray mo kay God as your future wife? Kasi baka hindi ko ma-meet ang expectations mo. Di bale, back-up ko naman ang God kaya siguradong magja-jive tayo.
Hey future love-of-my-love, pag nagkakilala na tayo don't give up on me ah. Kahit gaano pa ako kataray, kahit gaano pa ako kakulit, kahit gaano pa kita i-reject, kahit malapit ka ng mawalan ng pag-asa... don't give up on me.
Pramis, kapag na-win mo na ako, I'll love you from the love of God.
Pramis, iibigin kita sa bawat pagpikit at pagmulat ng aking mga mata.
Pramis, mamahalin kita sa bawat hininga ko.
Kahit magkaroon man tayo ng di pagkakaunawaan, assured ka sa pag-ibig ko.
Tatapusin ko na to'ng letter/blogpost ko baka lalo mo akong mahalin eh. *laughs* ♥♥♥♥
Your future wife,
Leira
P.S.
Pakinggan mo ang kantang "Marry Me" by Train.
Naiisip kita sa kantang yan.
Friday, April 8, 2011
MGA PAYO NI TIAN
"Wag ka muna matulog. Magtext muna tayo. Hahahaha" sabi ko.
"Nagpapa-antok ka lang e. haha! Pero sige pagbibigyan kita." tugon niya.
"Hindi kasi agad ako makatulog kapag naka-inom. Ewan ko ba. Baliw ata ang sistema ko eh."
"Hindi ang sistema mo ang may mali.. Yung utak mo yun. Alam mo kung baket? Pag may iniisip ka talaga eh mahirap matulog. Ganun yun."
"Ganun ba yun. Maling mali pala talaga ang utak ko. Panu yun. Ikaw ang laman nito. Hahahaha."
"Hindi po ako si *insert his name here*, ate. Hindi ako ang nasa utak mo. Hahahaha."
"Pano mo nalamang si ungas ang nasa isip ko? Napadako ka na ba dun? Kasi ang alam ko nasa puso palang kita eh. Haha! :D"
"haha.. Mga banat ni ate panglasing oh! Kala ko nasa lungs ako."
"Haha! Hindi ako lasing. Si Mong yun. Nawala ka nga sa lungs ko kanina kaya hindi ako makahinga eh. Lumipat ka na kasi sa puso ko. :D"
"Pag nawala pala ako sa puso mo patay ka na.. Kasi di na titibok yan. Maliban nalang kung sasagipin ka ni *insert his name here* hahaha!"
"Kaya dapat wag ka mawawala sa sistema ko ahh. Baka mamatay ako eh. Hahaha! Di na ako aasa kay *insert his name here* . Wala naman akong aasahan dun eh. :D"
"Alam mo pare, iba yung sinasabe mo sa ginagawa mo eh. Sabe ka ng sabe na di ka na aasa dun pero sa nakikita ko, umaasa ka ng sobra sobra eh ayun. Alam mo 'tol, ayoko kitang masakatan pero desisyon mo naman yan eh. Ayun comment lang."
"Magka-iba ba? Ewan ko ba. Para kasing alam na ng utak ko ang dapat gawin pero hindi yun ang nangyayari. May problema siguro talaga ako sa utak."
"Haha! Ganyan talaga.. Sabagay sa umpisa lang naman yan. Malay mo pag nagtagal na, ganun parin, umaasa ka parin. Wahahaha!"
"Ambastos mo. Kala ko seryoso na. yun pala… takteng yan. Wag nalang natin syang pag-usapan. Haha! Lalo ko lang syang naiisip."
"Sige Tian. Matulog ka na. nakakaistorbo na aketch sayo. Nyts. :D"
"Seryoso naman yung mga pinagsasabi ko, nilagyan ko lang ng konting pampangiti para si masobrahan sa pagkaseryoso. Hahaha! Kung naiisip mo sya, isipin mo lang wala namang masama dun eh. Pero yung aasa, yun yung mahirap.. You're holding your feeling so tight, why don't you loosen the grip to that feeling for you to see the real meaning of love. Mind over heart. :)"
"Easier said than done. Haha! May naisip akong blog. Sulat ko muna. Gud nyts Tian."
"Unang una, wala akong sinabe na nakakaistorbo ka. Pangalawa, gusto kong sabihin na wala akong tama ng alak kaya yung mga pinagsasabi ko eh seryoso. Hahahaha.. I just want to help you alright?! Haha! Pero pare naiintindihan kita. Matalino ka kasi kaya tanga pagdating sa pag-ibig. Haha! Totoo yun."
"Yeah right.. You're too smart para tumanggap ng mga ganyang payo. Hahaha."
Ang hirap aminin na may pagkakamali tayo lalo na kung iba ang nakapansin. Alam ko naman na maling umasa kahit wala kang aasahan. Masarap kasing maging masaya kahit sa ilusyon lang. Tama si Tian sa mga hinuha nya. Pero parang ang hirap gawin.
Para akong naumpog sa mga sinabe n'ya. Lalo yung sa dulo. Maybe, I'm a fool being smart. Oh well, naniniwala akong parte to ng buhay na kailangang daanan. Masakit ang proseso pero alam ko na kapag hindi na ako umasa, hindi na ako masasaktan pa… sana.
ALL OVER AGAIN
Hindi ko kasi masabi sa kanya ang totoo, that I feel something special for him. I just don't know if it's love or what.
Marami ng luha ang kumawala sa mga mata ko tuwing malalaman o mababalitaan ko na may pinopormahan s'yang babae. Marami na ring bote ng alak ang naubos ko para makalimot, kahit panandalian lang, sa sakit na na dulot n'ya sa'kin.
Alam kong wala akong karapatan na makaramdam ng selos, pero tuwing makikita ko s'yang may kasamang iba ay 'yon ang nararamdaman ko.
Nito lamang nakaraang linggo, nakapagpasya na ako na totoong kakalimutan ko na sya kasi hindi naman n'ya ako pinapansin. Pero may kung anong himala at pinansin n'ya akong muli. Hindi ko alam kung anong nakain niya (sana matagal na n'yang nakain yun) at nag-iba bigla ang ihip ng hangin.
Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon kung saan matatanggap ko na sa sarili ko na "wala" talaga. Pero noong nagbigay na s'ya ng motibo para pansinin ko s'ya, sinunggaban ko ito agad.
Hindi ko na maintindihan ang sarili kko, the otherday I'm fully determined that I'll move forward. Yet, when he comes around parang lahat ng sakit na binigay n'ya ay naglahong parang bula.
Umaasa na naman ako. I know myself too well. Di ko mapigilang maging masaya sa mga pagkakataon na makakapag-usap kami. Kahit 'yong simpleng "smiley" lang lubos na ang kaligayahan ko.
Alam kong nangangamba ang mga kaibigan ko dahil binibigyang kulay ko na naman ang mga actions n'ya. Syempre, ayaw nila akong masaktan, lumuhang muli at malasing. Pero, kahit ano namang payo at pangaral ang gawin nila ay ako parin ang masusunod.
At dahil sobrang saya ko dahil sa pagpaparamdam niyang muli, nag-inuman kaming magbi-beerkada. The usual things happened. May nagkwento kung bakit s'ya masaya (ako 'yon) at meron din namang naglabas ng sama ng loob (si kaye 'yon). Hindi rin nawala ang natulog, nagsuka at nalasing (si mong pala ang nalasing).
Naghyperventilate din pala ako. Ganun kasi ang sistema ko kapag nalalasing or masyadong maraming alako sa katawan ko. Buti nalang at may plastic ang "Bangus: Fish Cracker" na nabili nila. It helped me regain the proper supply of oxygen sa lungs ko. Good thing I'm with Tian to keep me company. Maaasahan talaga s'ya.
Sa bahay hindi nahalata na nag-inom ako kasi tulog na si mama at di ako maamoy ng tito ko kasi amoy alak din s'ya. He'll never know kung sino talaga ang amoy alak.
Thursday, March 31, 2011
Siakol - Hindi Mo Ba Alam (My version)
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ikaw ay aalis at hindi nag paalam
Nais kong malaman mo na ako'y nag tatampo
Pag nalimutan mo ang magcomment sa mga post ko
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Pag nakikita kitang may ibang ka kwentuhan
Nais kong malaman mo na ako'y nandirito
Pwede ba ako kahit maki usyoso
Ngunit pag sapit ng gabi WALA ka sa 'king tabi
Sa pag ibig mo ako nag sisisi
At pag gising sa umaga maamo mong
Mukha di ko nakikita
Na sa akin ay lubos na nagpa-paligaya.
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ika'y na lulungkot at mata ay luhaan
Nais kong malaman mo yan ay pupunasan ko
Sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo.
*_*
WEEK 2 DAY 2 (3/30/11)
Tatlo lang kasi kami nung monday. Syempre di papayag ang barkada na kami kami lang ang masaya.
Attendance of LNF:
Kaye - Absent
Madz - Absent
Gelly - Present
Tian - Present
Ruby - Present
Brich - Present
Jen - Present
Marvin - Absent
Ralph - Absent
Lei - Present
Mong - Present
Sa Playball ulit kami.
Nagbilliards muna sila Mong, Tian at Jen.
Paminsan minsan sumisingit ako sa laro nila. Di naman kasi ako marunong ehh.
Basta matamaan lang ung bola ok na sakin.
Mga 6pm na kami nagstart at 10pm natapos. Kaya KILL ako kay mama.
Nahilo.
Nalasing.
Nagsuka.
Nahilo lalo.
Nakatulog.
Nagwala.
Nahilong muli.
Nagsuka na naman.
Nahimasmasan.
Gustong gusto kong umiyak.
Pero konting luha lang ang nailabas ko.
Wala na yatang natira para sa kanya.
Sign na to.
Makakalimutan ko na sya.
WEEK 2 DAY 1 (3/27/11)
Malapit na kasi ang graduation, napag-usapan namen na we should drink our heart out.
Pero sa ginagawa namin hindi lang puso ang lalabas, pati atay, bituka, balun-balunan, apdo, thyroid at iba pang lamang loob.
Noong unang linggo, umiinom ako kasi sobrang saya ko kasama ang mga kaibigan ko.
Nag-swimming pa kami sa Binangonan kasi post birhtday celebration ni Madz (my friend).
Wala talaga kaming problema, masyado lang kaming masaya sa buhay.
Pero nung Monday, nabroken hearted ako.
Sumuko na ko sa kanya, dahil wala na akong pwede pang ipaglaban.
Talo na ako.
Sarado ang Unlirice (ang aming usual drinking place) bakasyon na kasi.
Pero ang taong gusto ay makakahanap talaga ng paraan.
We (Kaye, Brich and Mong) went to PlayBall.
Noong una kong inom sa Playball, nalungkot ako kasi beer lang ang sineserve nila.
Ayoko ng BEER. Nadala ako sa pale pilsen eh.
But noong inumpisahan na namen, sarap na sarap ako kasi sobrang lamig.
Parang hinupa ng malamig na beer ang sakit sa puso ko.
Noong umpisa ok pa ako.
Nasa katinuan pa ako, pero noong pang-apat na bote na kami dun na ako nag-umpisang umiyak.
Narinig ko kasi ung kanta na "Do you remember?" ni Jay Sean.
Actually, maganda naman ung music.. pero yung lyrics kasi ehh.
"Do you remember,do you remember,
Do you remember all the good times we had...
Let's bring it back."
Ganun siguro talaga kapag lasing ka.
Nagiging sensitive ka sa mga simpleng bagay.
(Pano ko nasabing lasing na ako? Simple lang ang sintomas... kapag nagmumura na ako.)
Ganoon pala yun... kapag hindi mo na kaya, you'll just stop and cry.
Iiiyak mo talaga lahat ng sakit na nararamdaman mo.
Alam kong walang problemang na sosolusyonan ang alak,
ganun din naman ang gatas di ba?
Pero minsan hahanapin mo talaga ung pagkakataon na gusto mo nalang na wala kang nararamdaman kasi sobra ka ng nasasaktan.
Tuesday, March 29, 2011
UNTITLED
This feeling for you won't die
I wanted to forget you.
Yes, I've tried.
But mem'ries keep haunting me
In every places that I hide.
I've tried my best to be happy
With all my friends around me.
Pretending you're still beside me,
But I know it's just a fantasy.
Everywhere I go, I'm searching for you.
Want to see you even if you're with someone new.
I hope I could talk to you like we always do
And I hope I could take back the chances I once blew.
But the truth will always prevail.
I'm guilty of it and so I bail.
My mind is in storm of hail
Waiting for you is such a shame.
But hey, I love you still
Guess I always will
No one can replace you
Nothing else that I can do
For in my heart it will always be you.
By: Ma. Kristina Aban
WAKE UP CALL
Marahil ay napagod na talaga akong maghintay sapagkat wala naman akong hihintayin.
Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam ng pag-ibig ko sayo?
Kailangan ko pa bang sabihin ang mga katagang "Mahal kita." kung ang itutugon mo lamang sakin ay "Salamat pero may mahal na akong iba."
Napagod na ako. Ang tagal ko ng naghihintay sa'yo, ni-hi ni-ho wala akong narinig sayo.
Oh well, ganyan talaga ang buhay... minsan in-love, madalas broken hearted.
But hell! I still have my friends, ba't ba ako nalulungkot.
Naglasing na ako. Umiyak. Binura ang mga messages mo. Ano pa bang dapat kong gawin?
Maghanap ng panibagong mamahalin.
Sunday, March 27, 2011
A CONVERSATION WITH KRAS
Tao tayo at may mata kaya normal lang na maakit o humanga tayo sa opposite sex, ok lang din siguro kahit sa same sex as long as alam mo ang limitasyon mo.
I have this girl crush on one of my classmates. Siya si Shin and I like everything about her. Yung attitude, character, humor and everything else. Para kasing nakikita ko si *JKL* sa kanya.
Constant textmate kami ni Kras (yan ang endearment ko sa kanya, at ako naman si KRASER). Kanina nga lang nagkatext kami. In-update niya ako sa lovelife nya. Natutuwa talaga ako kapag nagku-kwento sya sakin. Para kasi akong nagkaroon ng sister.
Sabi nya sakin napalitan na daw ang text message niya na nawala.
Nabura nya kasi yung isang message na pinakatatago tago niya. Pero kanina, napalitan na ito ng mas maganda. Of course that message was sent to her by her special someone.
Actually, gusto niyang mag-kwento tungkol sa lovelife nya. But it ended up na ako na ang nagku-kwento.
These are the things that i told her...
Sana maging close na uli kami ni *JKL*, para parehas tayong kinikilig.
haha! bkt ano b ngyri sa inyo?
Actually, isa sya sa mga best-guy-friend ko. Kabiruan ko siya. Tapos last year, bigla nalang niya akong iniwasan.. yung huling pag-uusap namin sabi nya nahihiya sya sakin. Ahaha! Ang babaw!
Hay. Ng kaganyan kmi nun isa qng close na guy friend. 2 weeks nya akong iniwasan... Sobrang close kau no.
Sinabe ko na rin sa kanya na ok lang yun.. Pero di parin nya ako pinapansin. Kahit simpleng smiley lang wala. Kahit wrong send wala. hayyyysss. Grabe ang babaw niya.
Hahaha. Onga. Bka Nahuhulog na sayo di kaya? ayiie. Gusto mo sya?
Nahulog sakin, gulay! Bat nia ako iniwasan? Haha! Kras, gustong gustong gustong gustong gusto ko sya. haha! Kung alam mo lang. xD
Haha. Ndi halata. hahaha.
Hirap nyan. Alam nya na gusto mo sya? minsan kasi may personal na dahilan bat tayo iniiwasang ng mahal natin. yung tipong, "Shocks! yung na yun, eh mahal naman kita, anong problema dun?"
Ewan ko kung alam niya.
Siguro, kasi nung nabasa ng kaibigan ko ung status ko sa fb alam nya agad na si *JKL* yung tinutukoy ko ehh. haha! hayss.
Haha. Ganun talaga? Try mo syang i-pm?
Natotorpe ako eh
Pwede mo naman kasi itext mo sya ng simpleng, "Hi *JKL*, kamusta?"
Nahihiya ako ehh. Pero baka mamaya ipi-pm ko na sya.
Ang hirap magmahal sa silence. Nakakabingi sa sakit.
Natatakot kasi ako na baka kapag bumoses ako, lalo nya akong di kausapin.
Ang dami pa naming napag-usapan tungkol sa pagmamahal ko kay *JKL*, sa posibilidad na may gusto sya sakin at sa posibilidad na ilusyon lang yun. Pati kung pano silang nagkakilala ng mahal niya.
I really love talking with her.
Para kasing kahit malungkot ako, basta kapag siya ang katext ko, sumasaya na rin ako.
She's like a ray of sunshine that gives warmth to my cold soul.
Sa lahat ng sinabe ni Kras, this one struck me most...
"It pays to wait. Never hurry. Let infatuation dies and give birth to a love when it's time. (Sigmund Freud)"
Maghihintay ako, pero kung hindi talaga pwede marunong naman ako tumanggap.
Hayaan mo lang ako na mahalin kita sa paraang alam ko.
Monday, March 14, 2011
FIREWORKS
Makikipagkita sa old classmate ng naka-inom (take note, hindi ako lasing naka-inom lang). FAILURE.
Nakakahiya sa kanya. Pero wala na akong magagawa kasi I honor my word.
Bahala na. Basta dapat makarating ako ng MOA ng buo at makauwi ako sa bahay ng buo, walang nabawas walang nadagdag.
Nagkita kami sa may Inbyernes, mula doon sumakay kami ng papuntang PRC tapos mula PRC sumakay kami ng papuntang Libertad. Dito na nag-umpisa ang problema.
Pagbaba namin sa may Buendia, wala kaming masakyan na jeep papuntang MOA.
That's why we decided na maglakad.
Ok lang naman sakin maglakad, di naman na kasi tirik ang araw past 7pm narin naman kasi.
Buti nalang din siguro naka-inom ako kaya dumoble ang pagiging madaldal ko.
Buti nalang din at hindi ko dala ang laptop ko, kundi baka hindi pa kami nakakasampung hakbang, sumurrender na ako.
Isa pa pala sa bumabagabag sa akin ay ang nagsusumigaw kong pantog.
Ihing ihi na ako.
It took us almost 30mins bago makarating sa MOA.
Nakakadisappoint pa ang pila sa cr.
Buti nalang mautak kami at humanap pa kami ng ibang cr.
After that, uminom kami sa drinking fountain.
Syempre para libre.
Ayoko kasi talagang gumastos.
Hindi parin naibsan ang hilo ko. Gusto ko narin talagang sumuka, kaya lang nahihiya ako sa kaklase ko.
Nag-umpisa na ang fireworks, pagkakataon na ng Pilipinas para magpasikat sa larangan ng paputok.
Namutawi sa himpapawid ang iba't ibang kulay ng paputok.
Parang mga bulaklak sa langit.
Nakakamangha.
Pero saglit lang din yun.
Wala pang 20 minutes.
Mas matagal pa ang inilakad namin kesa sa stay namin sa MOA.
Nasusuka at nahihilo na naman ako.
Pero pinigilan ko.
Ang daming tao.
Ayoko pa naman ng maraming tao.
allergic ako sa tao.
Lalo akong nahilo, lalo akong nasuka.
Gusto ko ng umuwi.
Niyaya nya akong kumain.
Nagdalawang isip ako.
Una, dahil sa mahaba ang pila sa mga fast food.
Pangalawa dahil sa kapag kumain ako, malaki ang posibilidad na masuka ako. Sayang lang yung pera na pinambili sa pagkain.
Sabi ko, ok lang. Hindi ako kakain.
Nagtanong ulit sya.
Sabi ko, ayoko talaga.
Pero siguro kung hindi nya ako tinanong and if I just found myself sitting on a chair of a restaurant. Malamang kumain parin ako.
Kapag nakikipag-date kasi ako (as if maraming beses na akong nakipagdate), natu-turn off ako sa lalaki kapag tinatanong ako kung saan ko gustong kumain.
Para kasi sakin, pinapalabas lang nun na hindi talaga siya naghanda sa pag-labas nyo.
Ayoko kasi ng ako ang tinatanong kung saan pupunta, saan kakain, anong gagawin...
gusto ko, ako ang nagtatanong. Gusto ko nasu-surprise ako.
Buti nalang binilihan nya ako ng lollipop.
(Syempre, nagpabili kasi ako.)
Pampatanggal ng hilo.
Namlumo ako pagkalabas namin ng MoA.
OA kasi ang dami ng tao, parang alay-lakad papuntang Antipolo.
Walang masakyan. We decided na mag-stay muna.
Nagkwento sya tungkol sa ex-girlfriend nya.
Nakinig ako at nagkomento.
Niyaya ko na siyang maglakad kasi lumalalim na ang gabi.
Medyo nakakalimang kanto na kami ng makakita ako ng bus pauwe.
Nagpaalam na ako sa kanya.
Yayakapin ko sana sya instead I have given him a High-Five.
Awkward.
Sumakay na ako sa bus. Good thing na may isa pang vacant seat.
Hindi ako tatayo the whole ride. Hindi ko kasi yun kakayanin.
Wala pa sa kalahati ang byahe gusto ko ng sumuka.
Buti nalang may tatlong bubble gum pa ako.
Kasya pa 'to. Sa isip isip ko.
Nang nasa Ayala na ang bus, muntik ko ng masukahan ang katabi ko.
Buti nalang nagtext si Chan na dapat isandal ko lang ang ulo ko.
Pagdating ko ng bahay, dumiretso ako sa lababo at nagsuka.
Buti nalang tulog na sila at hindi eskandaloso ang pagsuka ko.
Wednesday, March 9, 2011
NGAYON NALANG ULIT TO
May klase pala sila tuwing wednesday.
Hindi ko yun inaasahan.
Naglalaro kami ng baraha ng dumaan sya sa may gilid namin.
Napatingin ako sa kanya, nahuli ko syang nakatingin sakin.
Alam kong hindi niya ako tinitignan dahil sa maganda ako,
naku-curious lang siguro sya kung bakit kami nagbabaraha eh nasa loob kami ng school.
Pero wala akong pake.
Ang lakas talaga ng pintig ng puso ko kanina.
Isang tao lang naman ang nakapagpakaba sa puso ng ganoon.
Pero bakit ganoon din ang naramdaman ko sa kanya?
Ikaw na marahil ang katapat niya sa puso ko.
Malapit na ang graduation, sana maging magkaibigan rin tayo. :)
INFATUATION
Maaaring sila ang ating mga kaibigan, kapamilya, kaklase, guro at kung sino pa.
Maaari rin namang hindi natin sila kakilala at nakasabay lang minsan sa jeep at tricycle papuntang school.
Ito ang kwento ni kuyang nakaheadset na black, matangkad, maputi, payat at pogi...
It was a very sunny day, gawain ko na rin habang naglalakad sa Teresa Street ang mag-people watch, sa salitang balbal... SUMIPAT.
I find other people's lives interesting. TSIMOSA lang talaga ako. Nakita ko siya na naglalakad papasok sa PUP. At that moment, di ko naiwasang di ngumiti. Siya kasi yung ideal man ko. Parang lahat ng physical feature na gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya niya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Konti nalang siguro malalaglag na ito.
Base sa uniform niya sa COABTE sya na ngayon ay CoEd (College of Education) na (yata). Alam kong ahead sya sakin ng isang taon, halata naman. Sobrang kinuha nya ang atensyon ko at talagang tinangka ko syang sundan. Pero dahil sa 2nd floor lang ang college namen, hanggang doon lang din ako.
The rest of that day flew slowly. Same route pauwe, same old same old.
Yet, noong sasakay na ako sa tricycle nakita ko ulit siya na nakaupo sa likod ng driver. Sigurado akong siya yun. Inisip ko agad na mag-back ride para tabi kami. I took the opportunity, naisip ko kasi na baka di na ulit yun maulit.
Ang bango niya. Hindi ko alam kung amoy yun ng pabango o sadyang yun na talaga ang amoy ng pawis nya.
Natuwa talaga ako ng mas nauna syang bumaba sakin, alam ko na kung saan siya nakatira.
Simula noon, i always hope na makasabay ko ulit sya, kahit mula school hanggang terminal lang ng tricycle.
Ipinangako ko nga sa sarili ko na kukunin ko ang cell number niya at pangalan. Makikipagkaibigan lang ako. Wala namang masama dun diba? I just want to know him more. :)
Saturday, March 5, 2011
OPPORTUNITY COST
Ewan ko ba, gustong gusto ko pag-aralan ang Demand, Supply, Trends at kung anu-ano pa tungkol sa Economics.
Kanina, nagtanong ang professor namin sa investment, "What is opportunity cost?"
Walang nagtaas ng kamay.
Inulit niya ang tanong.
Wala paring naglakas loob.
Sa pangatlong ulit niya, itinaas ko na ang kamay ko para sumagot.
Sa lahat siguro ng terms sa Economics, other than the term Economics, ang opportunity cost marahil ang pinaka hindi ko makakalimutan.
I answered, "Opportunity cost, is the cost you incurred when you forgo something to obtain another thing."
Kampante ako na hindi ako mapapahiya sa prof ko dahil sigurado ako sa sagot ko.
Nang pina-upo na niya ako, I had this silly thought.
What if, hindi ko ikinahon ang sarili ko sa kanya?
What if, I entertain those suitors at may boyfriend ako ngayon?
What if, I give up the ample hope I'm holding to have something or someone else to hold on to?
What if... What if... What if..
Kung sinagot ko isa man sa mga nanligaw sakin, malamang head-over-heels ako sa kanya.
Kahit di pa siya magandang lalaki.
Nadedevelop naman ang pag-ibig eh.
Eh di sana hindi ako nag-iisa ngayon.
Kung una pa lang ay binitiwan ko na ang pag-asa na mamahalin mo rin ako.
Malamang hindi ako nasasaktan dahil lagi mo akong binabale wala.
Marahil ay nabaling na ang attention ko sa iba.
Marahil ay hanggang kaibigan lang din ang tinggin ko sayo.
I could have done those things.
I could have mitigate the risks.
I should have seen it.
I have seen it yet I still let myself fall.
It might have been to late to back out.
Malaki-laki na ang nawala sakin, hahayaan ko pa bang wala ang lahat ng natira para sa sarili ko.
Ngayon palang dapat na akong gumawa ng hakbang.
I need to choose.
Will I stay or
Will I let go.
Once I stay, there would be a 1% - 99 % probability that he'll love me back.
Yet once I leave, I can never come back.
Duwag ako kaya hindi ko na hahayaan na may mawala pa sakin.
Thursday, February 24, 2011
2/22/11
Dapat mauna makauwe si mama o di kaya si tito.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta.
Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi talaga pinag-iisipan ang mga gagawin.
Sabi nga nila, pabugso-bugso.
Naisip ko nalang bigla na tahakin ang pinakamahabang ruta pauwe.
May apat na ruta akong pwedeng pagpilian.
Una ang usual ride ko pauwe -- Pasig (San Joaquin).
Pangalawa ang pa-Boni.
Pangatlo ang pa-Cubao.
Pang-apat ang pa-Punta.
Ginamit ko ang Theory of Deduction ni Sherlock Holmes and I came up with the thought na ang fourth route nalang ang tatahakin ko dahil mas matagal yet convenient sakin.
Dulot narin siguro ng mahabang byahe, napunta ako sa isang malalim na pag-iisip.
Mahirap kapag ganito kasi nagiging emo ako. Samahan pa ng mga nakakalungkot na musika sa playlist. Para talagang eksena sa telenobela.
Bigla kong naisip si *JKL*, dumaan kasi yung jeep malapit sa bahay nila.
Tapos naalala ko ang mga post niya sa Facebook.
"Para kanino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.
"Malamang hindi para sayo." mabilis na tugon din naman ng utak ko.
"Pero pa'no kung para sakin yun?" I insisted.
"Wag kang assume-mera. Kung hindi nga para sayo? Eh, di niloko mo lang ang sarili mo." my mind replied.
Ang sakit talaga kapag ikaw mismo ang nakakadiskubre ng sarili mong katangahan.
Parang winasak ang puso ko tapos dinurog, tinapak-tapakan, dinuraan at sinunog hanggang sa maging 'sing pino ng abo.
Aminado naman ako na deep-down inside umaasa parin ako na sana para kami sa isa't isa. Pero mas malaki ang portion o yung probability na hindi yun magkakatotoo.
Kalabisan naman kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya dahil ako lang din naman ang lugi sa huli.
Sa totoo lang, nasasaktan ako at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Madali kasing sabihin na kalimutan nalang siya o di kaya'y humanap nalang ng iba. Pero kung i-a-apply sa totoong buhay, parang imposible yun.
It hurts because it's real.
Friday, February 18, 2011
Love Letter
Maya-maya tinawag niya ako sabi nya,
"Lei, nakita ko na..."
(there was a short pause)
"Nakita ko na yung love letter sayo ni Carlo Villamer noong Grade Six ka."
Nanlamig ako bigla, sa pagkakaalala ko kasi ay naitapon ko na yun.
Akala ko wala na ang ebidensyang yun.
Itinago pala ni mama. Pinilit kong agawin sa kanya ang mga sulat. but timy dismay, wala akong lakas para kunin yun sa kanya.
Slowly, she read it... ALOUD.
Pwede ba kitang makilala. Ako nga pala si Carlo Villamer.
Alam mo bang may gusto ako sayo sana pumunta ka sa cort
para makilala mo ako.
Alam mo bang araw-araw, oras-oras at minuminuto ay iniisip kiya.
Kahit sa pagtulog ko ay na mi mis kita. Sana mahalin mo rin
ako katulad sa pagmamahal mo sa mga magulang mo. At wag mong
kalilimutan na mag-dasal at ipag-dasal mo narin ako. Ito lang
ang masasabi ko sayo, 'O Babe ako ay talagang patay sayo."
Nakalimutan kong sabihin sayo na saan ka nga pala mag-aaral.
I Love You,
CARLO VILLAMER
eto naman, binigay niya sakin nung valentine's...
Dear Liera,
Hi!!! Kamusta kana pwede ba kitang
makausap mamayang uwian hihintayin kita
sa waiting shade sana pumunta ka dahil
pagod na ko sa kakasulat sayo. Bakit
hindi mo pako sinasagot sa lahat ng
mga letter na para sayo pag pasensyahan
mo na itong sulat ko bahala kanang umin-
tindi nito,
From: Carlo
To: Liera
*note: yung mga maling spelling, yun talaga yung nakalagay sa letter niya. haha!
pagpasensyahan na, bata pa. mahina pa sa spelling. :)
There was a moment of silence, then we burst our hearts out with laughter.
Grabe ang tawa namin (lalo na ako) sa mga maling spelling at poor sentence construction. Nilait pa ni mama yung sulat kamay at design ng papel.
Di ko inaasahan, memories came rushing back to me.
Para akong nag-time travel. Parang may holographic images sa harap ko
at makikita ko ang mga nangyari dati.
Yung moment na "cleaner" (sa public schools kasi uso yan, may specific na grupong naka-assign for each school days. Sila ang mag-aayos ng chairs, magwawalis, mabubura ng black board at magpapagpag nito hanggang sa masinghot na ng bata ang lahat ng alikabok) ako tapos hinihintay niya akong matapos maglinis para sabay kaming umuwi. Eh pilya na ako dati pa, binabagalang naming maglinis (ka-kontsaba ko ang mga kaklase ko)and when he's off guard saka naman ako eeskapo. Oh ha?! Ang utak ko, kasi natatakasan ko sya. Pero mabilis siya tumakbo kaya naaabutan parin niya ako.
Meron pang isang pagkakataon na nakapila kami, may assembly ata noon, nagpapasa siya ng kung anu-anong notes sakin. Nakaka-asar pa kasi pinapatama niya sa ulo ko yung papel para daw maramdaman ko talaga. Muntik na nga siyang mapagalitan kasi nagkakalat siya.
Marami pang ala-ala pero mas mabuting sa memory ko nalang sila mamalagi. Doon naman sila nabibilang eh.
Since graduation nung elementary, hindi na kami masyadong nagkikita. Primarily because lumipat na ako sa Pasig noon. Madalang nalang ako sa Makati. Tsaka, magka-iba kami ng pinasukang paaralan nung high school. Balita ko sa Fort Bonifacio HS siya, eh sa Pio ako. Kaya talagang imposible kaming magkita.
Huli ko siyang nakita noong first year college na ako. Sa may cembo, makati. Papunta kami kina Kim (kaklase ko nung 4th year HS) para magreview for Special Qualifying Exam. Kinabahan ako nun ng sobra kasi nagka-eye to eye contact kami. Ako na unang umiwas ng tingin, ang laki na kasi ng ipinagbago niya. Gumwapo siya ng bonggang bongga. Nanghinayang nga ako eh. haha! pero saglit lang.
Hinahanap ko siya sa facebook pero wala siya. Hindi pa yata uso sa kanila. haha! :)
Wednesday, February 16, 2011
JS Prom
Kanina, naalala ko si Enn. Kaklase ko siya nung high school. Niligawan niya ako. Mabait naman si Enn, maasikaso. Parang prinsesa nga ako sa kanya. Laging siyang may rose or chocolate na binibigay saken. Hindi ko nga alam kung anung sumapi sa kanya at sobrang baet niya. Muntik ko na nga siyang mahalin eh. Pero, hindi siya ang Prince na iniimagine ko.
Naging makulit sya sa pangliligaw. This brought me to the silliest idea i ever had.
"Eh kung magka-boyfriend ako. Tigilan na nya kaya ako?"
Naisip ko yan kasi hindi ko sya kayang diretsohin na hindi ko siya gusto.
Nagka-boyfriend nga ako nun. Di ko na ikukwento dito. Sa susunod na post ko nalang.
Dumating ang JS Prom, parang halos lahat ng kakilala ko ay nag-eexpect na maisasayaw sila ng *someone special* nila. Of course ako rin, kaya lang di nakapunta si boyfriend kasi nagkalagnat siya. Isinayaw naman ako ng mga kaklase ko bukod kay Enn. Tinanong ko siya kung baket di nya ako niyaya sabe lang niya baka daw magalit si boyfriend. Baka siya pa daw ang maging dahilan ng pag-aaway namen. Aba't ambisyoso si loko. Haha!
Mabilis lang akong kausap. Kung ayaw mo ehh di wag. Pero parang kinakabahan ako. Yun pala dumiretso tong si Enn sa may altar (may Virgin Mary kasi sa may malapit sa Guidance Office) at dun lumuhod at nagdasal with matching taas kamay pa daw sabe ng bestfriend ko. Nakita nya ang lahat ng pangyayari. Sinapian ata ng kung ano si Enn. Masyadong dinamdam na hindi nya ako naisayaw. Well, ang haba ng buhok ng lola mo.
Though sobra na ang pagkahiya ko, tinawag ko parin sya at niyaya ulit na sumayaw. Ako na ang gumawa ng move, baka kasi matorpe eh. Baka rin magpatiwakal. Just kidding.
Siya ang last dance ko ng gabing yun.
Para sakin, mas importante ang last kesa sa first pagdating sa love.
Hopeless romantic nga siguro ako.
After that night, kawawa ako sa mga teacher at kaklase ko. Sobrang hiya ko nun, kulang nalang magpalamon na ako sa lupa.
Years passed, nagkaka-usap parin kame through Facebook. Tumigil na rin siguro sya sa paghihintay sakin. Napagod marahil.
But i liked it that way.
Kaya ngayong JS Prom season, kapag nakakakita ako ng mga batang naka-gown or tux, naaalala ko siya.
Happy memories. :)
Sunday, February 13, 2011
NAPANAGINIPAN SI *JKL*
Sa panaginip ko, ibang iba na sya. Mas matangkad, pero yung boses niya ganun parin (yun marahil ang boses niya sa ala-ala ko). Tulad ng ibang panaginip, ang hirap arukin ng pinapahiwatig nito.
Nasa school sya (sa PUP) hindi bilang bisita pero bilang estudyante. At sa kabilang wing lang sya ng room namen. kumbaga magkatapat ang classroom namen. Dumaan ako, tinawag niya ako, nag-usap kami at tumawa. Inayos nya rin ang laptop ko, may loose kasing turnilyo, tinuruan niya akong mag-hack ng wi-fi connection (hindi na malinaw ang parteng ito, sayang).Pinapasok niya ako sa kwarto para mag-sit-in sa klase nila. Napagalitan ako ng prof nila at pinalabas, sinundan niya ako at hinatid sa bahay. Kahit sa panaginip, alam kong kinikilig ako.
Recently, nabasa ko ang librong PSYCHOANALYSIS - Interpretation of Dreams by Sigmund Freud. Hindi ako psych-student pero nag-enjoy akong basahin ang librong to. Feeling ko kasi lalo kong nakikilala ang sarili ko.
Alam ko kung bakit ko sya napanaginipan (that is because i stared to long on his picture), pero hindi ko alam kung bakit sa diname dame ng panaginip ko, yun pa ang naalala ko. Pwede naman ung panaginip ko kung saan nabalanse ko na ang financial statements namen pero hindi.
Kahit ilang ulit na nya akong nire-reject (kahit di nya alam).
Kahit ilang ulit na nya akong sinasaktan (kahit di nya alam).
Kahit ilang ulit na nya akong binabale wala (kahit di nya alam).
Mahal ko parin pala sya kahit di nya alam.
Wednesday, February 2, 2011
HE CALLED ME
Hindi kasi ako sanay. Pwede namang i-text nalang bat kelangan pang tumawag.
Hindi talaga ako komportable lalo na kapag lalaki ang tumatawag sakin.
Naalala ko tuloy ung ex boyfriend ko.
Nung High school kasi uso ang mag-SUN Cellular kapag may boyfriend o girlfriend ka.
Booming kasi ang Unlimited Call promo nila.
Biruin mo yun sa maliit na halaga, pwede mo ng makausap ang love one mo, abroad!
Pwede ka na rin magkaroon ng kunwaring boyfriend.
Balik tayo sa kasalukuyan, may tumawag kasi sakin kagabe.
Kaklase ko sya nung high school. Umpisa pala sinabe ko na sa kanya na pwede nya akong tawagan pero hindi ibig sabihin nun sasagutin ko ang tawag nya.
At first, firm talaga ako na hindi ko sasagutin, pero nakonsensya ako kaya hinayaan ko nalang sya.
Sa totoo lang natutuwa ako sa taong to kasi hindi siya madaling sumuko.
Naiingit nga ako sa kanya kasi parang ang tapang nya.
Kung tutuusin, dapat hindi na nya ako kinakausap ngayon ehh.
Ilang beses ko na kaya syang ni-reject but stil nandyan parin sya.
Hindi naman sya mahirap mahalin.
(kung ugali lang ang pagbabasehan)
Pero ganun pala talaga kapag meron ka ng SOMEONE SPECIAL kahit ano pang gawin ng iba, hindi ka parin bibigay.
GUSTO KO NA TALAGANG SUMUKO
Ang hirap kasi, wala akong karapatang kontrolin ka, ang mga kilos mo, ang mga salita mo, ang takbo ng isip mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa puso mo.
At hindi ko yun malalaman kung di mo sasabihin sakin...
at hindi mo rin yun masasabi sakin kung hindi kita tatanungin.
(Sasabihin mo kaya yun kung sakaling tanungin kita? Ewan ko. Ikaw lang ang nakakaalam niyan.)
Habang nasa jeep kanina naisip ko na bitawan na ang delusion na may pag-asa tayong dalawa. Napapagod na ako. Nahihirapan. Nasasaktan.
Ayoko na.
Nagdesisyon na ako.
Kailangan ko ng gumising sa ilusyon na dulot ng nakaraan.
Marahil nga tama ang sinasabi ng utak ko,
Hindi mo siya mahal.
Ang minamahal mo ay ang ideya na mahal mo sya.
Monday, January 24, 2011
SANDALAN
Dahil maliit lang naman ang mundo ng classroom, may mga pagkakataon na nagkaka-usap kami. Nagkakakwentuhan. Nagkakatawanan. Nagkakalabasan ng sama ng loob. Minsan sa inuman (pero hindi kami umiinom nun), minsan sa normal na araw lang, madalas sa text message.
Nitong nakaraang linggo lang, nagkayayaan kami ng inuman. Hindi ko inaasahan na sasama at iinom din sya. Alam kong marami siyang problema ng panahong iyon. Nalulungkot nga ako kasi hindi ko sya matulungan, hindi ko alam kung paano.
Nahihilo na ako, konti palang naman nainom ko. Haysss...
Parang tinamaan ako ng kidlat sa sinabi nya. Ito na ba ang pagkakataon ko? Tanong ko sa sarili ko. Hinugot ko lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanya ang sa simula pa lang ay gustong gusto ko ng sabihin sa kanya.
Nahihilo ka na ba? Lika dito. (inurong ko ang inuupuan ko para mapalapit sa kanya) Sandalan mo na lang ako.
Akala ko magiging eksena na sa pelikula ang mga susunod na mangyayari. Yung tipong, lalapit sya at sasandal sakin habang hawak ko ang kanyang kamay. Pero ang lahat ng iyon ay guni-guni ko lang.
Hindi nalang 'tol. Wag na lang. Kapag sumandal ako sayo, lalo akong mahihilo. Tsaka kung meron man akong gustong sandalan si Jay lang yun. ALAM MO NAMAN YUN DI BA...
Natigalgalan ako. Oo nga pala. Mahal parin nya si Jay. Kahit paulit ulit nyang sinasabi na nagmo-move on na sya. Hindi parin napapalitan si Jay sa puso nya.
Hindi ko na maalala kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako sa kwarto ko. At bumungad sakin ang text message niya.
Salamat kagabi ahh. Nakatulog pala ako habang nakasandal sayo. :)
Sunday, January 16, 2011
I'M JUST WAITING
napaka fast-facing.
pero hindi ba mas magandang maghintay nalang tayo sa tamang oras at panahon at hindi ang sumabay sa pabago-bagong agos ng kasalukuyan.
marami pa tayong dapat i-accomplish at dapat makamit.
marami pa tayong dapat pagdaanan ng hindi tayo magkasama.
basta maghintay lang tayo.
wag nating ubusin ang oras natin sa mga mabilisang relasyon na walang katiyakan.
maghintay lang tayo.
ecclesiastes 3:1
there is a time for everything and a season for every activity under heaven.
i’m just waiting..
may ganito pala akong post sa frienster blog. KEWL!
Saturday, January 15, 2011
Waiting
i asked a little favor from him.
kanina pang 1pm natapos ang klase ko.
naiinip na ako sa kanya.
gusto ko nalang sumunod sa mga kaibigan ko at uminom hanggan malunod ako.
hindi ko alam kung may problema ba ako.
baka nga meron, problema sa pag-iisip.
tinawagan naman nya ako, sabi nya malelate sya kasi may something
pa silang ginagawa.
sabi ko, ok lang.
nandito parin ako sa dulo ng west wing, 2nd floor.
sa bench, kaharap ang lumang canteen.
naghihintay sa text message niya.
Friday, January 14, 2011
What do you wish to happen in your life this year?
gusto ko ng GRUMADWEYYYYYYYYT... at magkapagtrabaho na rin. :D
Wednesday, January 12, 2011
(For those who are in a relationship) Are you contented with what your partner? (For those who are single) What qualifications will make you contented in one person for good?
nothing much. basta kapag nakita ko na siya, alam ko na kung sakanya ba ako makukuntento. ahaha!
Do you think you deserve the life you have if you're gonna base it on all your actions from the time that you fully understood what's right from wrong?
life is fair because it's unfair to everyone and we deserve it.
Do you believe that there are people undeserving of their life?
no i don't. hindi naman kasi tayo bibigyan ng pagkakataon mabuhay kung alam ng Diyos na magiging undeserving tayo sa breath of life niya.
Naniniwala ba kayo na ang Poon ng Nazareno ay 'di dapat sambahin pagkat hindi naman ito ang pinaniniwalaan nating Kristo?
sa opinyon ko, hindi. though para sa deboto ito ang medium of faith nila so be it. yun ang pananaw nila ehh. kung milagro rin lang ang hanap nila, try nila pumikit at dumilat muli. dahil yun ang pinaka-neglected na miracle. hindi lahat ng pumipikit ay may kakayanan pang dumilat muli.
ito ay opinyon ko lang.
What's easier to solve if we have all the necessary things to make a solution: Poverty or Prostitution?
poverty. actually madali lang talaga to kung we all have the resources.. economic theory.
For NBA Fanatics, will the Lakers THREE-PEAT?
i hope so. though i would prefer the celtics to win this season. :D
Who's the hottest athlete for you?
dameeeee. pero sa ngayon siguro, the YOUNGHUSBANDs. and of course, Kobe Bryant. (though i'm a celtics' fan, i love Kobe)
What will you do? Suppose that you're already getting married. Then someone runs inside the church and shouted "Stop the wedding!" and tells you he/she loves you.
kung yung HUGE CRUSH ko ba yun eh, ITIGIL na agad ang kasal. ahaha!
What will you do? A kidnapper abducted your boyfriend/girlfriend. Then he asks you that the only thing that'll make him set his hostage free is by you breaking up with him/her and never returning again?
kung mangyayari man yan sa tunay na buhay, makikipag-break na ako agad. madali naman kasi akong kausap eh.
If you're punched/slapped, will you strike back?
ABA OO! nagkakapisikalan na rin lang, gantihan na! :D
How much do you love your bf/gf right now?
wish ko lang meron akong boyfriend. o kahit girlfriend ok na rin. ahaha! joke pero totoo. :D