Tuesday, May 31, 2011

WILL YOU MARRY ME?

"Bakit wala ka pang boyfriend?" yan ang madalas itanong sakin ngayong graduate na ako sa kolehiyo (bukod sa "May trabaho ka na?"). "Eh wala." lagi ang sinasagot ko.

Dulot na rin siguro ng unlimited spare time kaya napadpad ang isip ko sa ideya kung bakit nga ba wala akong boyfriend.

Point 1.
Naalala ko tuloy nung sinabe sakin ni Tian na, "di ka naman panget, eh bat wala kang boyfriend?". Tama naman sya, di ako ganun ka panget, pero di rin naman ako maganda. Sa panahon kasi ngayon, unang tinitignan ng lalaki ang pisikal. Mas prefered nila yung maganda, sexy, maputi, makinis... Believe me, I know, ang dami ko kayang pinsan at kaibigang lalaki. Endangered species na yung mga lalaking manliligaw dahil mabait, matalino, masipag at may humor... Yung tinatawag na good character and attitude.
Kaya kung ikaw/yang bf mo yung isa sa mga endangered specie, mag-ingat kang mabuti, baka mabawasan kayo eh.

Point 2.
Isa pang dahilan eh mas lalaki pa ako kumilos kase sa ibang mga lalaki dyan. Ang mga lalaki naman ay di naaattract dun sa mga katulad nila. Kaya ang tingin lang siguro ng ibang lalaki sakin ay "buddy", "dude" or "bro". Haha! Pero parang mas masarap din kasi magkaroon ng mga guy-friends, kasi para silang mga aso... LOYAL.

Point 3.
Mataray kasi ako kapag may topak. Eh madalas akong tinotoyo. Minsan nga naaawa ako sa mga taong nasa-sampolan ko ng kamalditahan ko eh. Pero the good thing is nag-sosorry naman ako agad.

Point 4.
Chossy kasi ako.
Aba! Ikaw ba naman pipili ka ng boyfriend na tambay? Na mukhang adik? Na walang trabaho? Ayokong sayangin ang sarili ko sa taong feeling ko ay magiging unworthy para sakin.
May mga nanligaw at nanliligaw naman sakin, kaya lang ang tingin ko kasi lahat sila ay "wrong answer".
Ako kasi yung tao na tipong, "I won't settle for less if I know I can have more/ the best."

Point 5.
May hinihintay kasi ako, though I know na wala na akong dapat hintayin kasi meron na syang "special someone". I know, I know I'm a bit stupid, martyr and hopeless romantic pero ganun talaga ang nararamdaman ko eh. Actually, feeling ko I'm over him na kasi di na ako umiiyak kapag naiisip kong may mahal na syang iba, maybe what I can't get over is the fact that no one, still, can surpass him (his attributes, character, humor and trippings) in my heart. All I know is that time will come when I'll meet someone more than him. I just don't know when. Kaya i'm saving myself for that special person.

Point 6.
The last reason would probably because natatakot sakin yung mga lalaki kapag tinatanong kong "Papakasalan mo ba ko?"
Ako kasi ayoko talagang nag-aaksaya ng oras. Time, for me, will always be the best kind of investment a person could make. Napakalaki ng risk involve dito. Sayang kasi yung oras kung halimbawa magiging kame tas at the long run we'll realize that we have differences that can never be sort out. Sayang.
Marami rin kasing lalaki ang ayaw ng commitment, label, or whatever excuse they want to name it. Eh ako, gusto ko ng commitment at label. Just for the sake of clarity. Para diba, alam mo kung saan ka nakatayo.

I know that if I keep on living with these points, wala akong makitang boyfriend. But who really needs a boyfriend. I know what I need. What I need is a man who could understand my otherside and is wiling to accept them wholeheartedly, without prejudice, because those things make me who I really am.

Looks like I have to wait for an eternity before I'll meet this guy. Or maybe, all I need is a head turn because he's just behind me.

Wednesday, May 18, 2011

KILALA KO PA BA SARILI KO?

Dati (nung talagang active ako sa church) gustong gusto ko yung "God wants you to know" application sa Facebook. Though alam ko na computer generated at random ang pagdidistribute nun, parang napaka-accurate parin. (o pinaniwalaan ko lang talaga na may konek yun sa kasalukuyang kalagayan ng buhay ko)

Recently, sinubukan ko uli ang application na yun. Si shin kasi eh, sabi nya tamang tama daw yung sinabe sa kanya para sa work nya. Kaya sinubukan ko rin, baka sakaling may sabihin rin tungkol sa magiging kapalaran ko sa trabaho (ginawa ko pang manghuhula ang application na yun).

Nagulat talaga ako nung nabasa ko yung "On this day, God wants you to know...". Wala talagang relasyon sa trabaho, tungkol sa "pag-ibig". Kung ano pa ang pinakahindi ko inaasahan.

"that everytime you pretend to love, you impoverish yourself more and more. Love has great potential to enrich your life. But if you are just playing a role, pretending to love, it's only going to poison you. Because you are teaching yourself that it's just a game, and slowly but surely you will lose the capacity to open in love."

Parang nakarinig ako ng malakas na GONG nang nabasa ko ito. Hindi ko talaga ine-expect na yan ang mababasa ko. Namangha talaga ako sa technolohiya ngayon, parang alam na alam kung ano ang laman ng isip at puso ko. Biruin mo yun, na stipulate ng program kung ano talaga ang nangyayari sakin.

Napag-isip akong mabuti kung tama ba ang computer.

Oo. Tama. Ganoon nga marahil.

Kaya pala.

Gawain ko talaga na i-analyze lahat ng nangyayari, kaya madalas kong nao-over analyze ang lahat ng bagay.

Ang napagtanto ko, masyado na akong nakaramdamang sakit. Sakit na hindi dulot ng karamdaman kundi ng sugat sa puso. Hindi yung puso na nagpa-pump ng blood but the heart that can feel love.

Sa totoo lang, natatakot ako kasi parang hindi ko na alam kung ano pang ibig sabihin ng pagmamahal. Though alam ko ang definition, ano pang silbi ng Google, parang hindi ko na ma-express.

Hindi ko alam kung totoong pagmamahal ba ang nararamdaman ko o akala ko lang na nagmamahal na ako.

Ano ba talaga ang pagmamahal?

Parang dati alam na alam ko to, pero ngayon para akong si Tarzan na tinuturuan ng ABC.

MANGMANG.

Broken hearted ba ako?
Hindi...

Hindi lang broken,
shattered, pulvorized, dissolved at totally dissiminated and puso ko. Kaya marahil sumuko na ako sa pag-ibig.

Kaya natatakot talaga ako na baka malapit na akong dumating sa punto na fake na ang pagmamahal ko, na hindi ko na kayang magmahal ng totoo, ng tapat at buo.

Ayoko ng ganung buhay.
Ang lungkot.

Impyerno ang buhay ng taong hindi na marunong magmahal ng totoo.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, dapat na talaga akong tumawag sa emergency hotline... J-E-S-U-S.