Last night, pinahanap ko kay mama ang photocopy ng birth certificate ko. Kailangan kasi para sa correction ng middle name sa registration card. Sa reji kasi may middle name ako whoc is supposedly wala dahil hindi naman kasal ang mga magulang ko at apelyido ni mama ang gamit ko.
Maya-maya tinawag niya ako sabi nya,
"Lei, nakita ko na..."
(there was a short pause)
"Nakita ko na yung love letter sayo ni Carlo Villamer noong Grade Six ka."
Nanlamig ako bigla, sa pagkakaalala ko kasi ay naitapon ko na yun.
Akala ko wala na ang ebidensyang yun.
Itinago pala ni mama. Pinilit kong agawin sa kanya ang mga sulat. but timy dismay, wala akong lakas para kunin yun sa kanya.
Slowly, she read it... ALOUD.
Pwede ba kitang makilala. Ako nga pala si Carlo Villamer.
Alam mo bang may gusto ako sayo sana pumunta ka sa cort
para makilala mo ako.
Alam mo bang araw-araw, oras-oras at minuminuto ay iniisip kiya.
Kahit sa pagtulog ko ay na mi mis kita. Sana mahalin mo rin
ako katulad sa pagmamahal mo sa mga magulang mo. At wag mong
kalilimutan na mag-dasal at ipag-dasal mo narin ako. Ito lang
ang masasabi ko sayo, 'O Babe ako ay talagang patay sayo."
Nakalimutan kong sabihin sayo na saan ka nga pala mag-aaral.
I Love You,
CARLO VILLAMER
eto naman, binigay niya sakin nung valentine's...
Dear Liera,
Hi!!! Kamusta kana pwede ba kitang
makausap mamayang uwian hihintayin kita
sa waiting shade sana pumunta ka dahil
pagod na ko sa kakasulat sayo. Bakit
hindi mo pako sinasagot sa lahat ng
mga letter na para sayo pag pasensyahan
mo na itong sulat ko bahala kanang umin-
tindi nito,
From: Carlo
To: Liera
*note: yung mga maling spelling, yun talaga yung nakalagay sa letter niya. haha!
pagpasensyahan na, bata pa. mahina pa sa spelling. :)
There was a moment of silence, then we burst our hearts out with laughter.
Grabe ang tawa namin (lalo na ako) sa mga maling spelling at poor sentence construction. Nilait pa ni mama yung sulat kamay at design ng papel.
Di ko inaasahan, memories came rushing back to me.
Para akong nag-time travel. Parang may holographic images sa harap ko
at makikita ko ang mga nangyari dati.
Yung moment na "cleaner" (sa public schools kasi uso yan, may specific na grupong naka-assign for each school days. Sila ang mag-aayos ng chairs, magwawalis, mabubura ng black board at magpapagpag nito hanggang sa masinghot na ng bata ang lahat ng alikabok) ako tapos hinihintay niya akong matapos maglinis para sabay kaming umuwi. Eh pilya na ako dati pa, binabagalang naming maglinis (ka-kontsaba ko ang mga kaklase ko)and when he's off guard saka naman ako eeskapo. Oh ha?! Ang utak ko, kasi natatakasan ko sya. Pero mabilis siya tumakbo kaya naaabutan parin niya ako.
Meron pang isang pagkakataon na nakapila kami, may assembly ata noon, nagpapasa siya ng kung anu-anong notes sakin. Nakaka-asar pa kasi pinapatama niya sa ulo ko yung papel para daw maramdaman ko talaga. Muntik na nga siyang mapagalitan kasi nagkakalat siya.
Marami pang ala-ala pero mas mabuting sa memory ko nalang sila mamalagi. Doon naman sila nabibilang eh.
Since graduation nung elementary, hindi na kami masyadong nagkikita. Primarily because lumipat na ako sa Pasig noon. Madalang nalang ako sa Makati. Tsaka, magka-iba kami ng pinasukang paaralan nung high school. Balita ko sa Fort Bonifacio HS siya, eh sa Pio ako. Kaya talagang imposible kaming magkita.
Huli ko siyang nakita noong first year college na ako. Sa may cembo, makati. Papunta kami kina Kim (kaklase ko nung 4th year HS) para magreview for Special Qualifying Exam. Kinabahan ako nun ng sobra kasi nagka-eye to eye contact kami. Ako na unang umiwas ng tingin, ang laki na kasi ng ipinagbago niya. Gumwapo siya ng bonggang bongga. Nanghinayang nga ako eh. haha! pero saglit lang.
Hinahanap ko siya sa facebook pero wala siya. Hindi pa yata uso sa kanila. haha! :)
No comments:
Post a Comment