Magka-klase kami since third year. Hindi ko siya masyadong napapansin noon. Di naman kasi siya kagandahan. Napaka-average ng itsura nya. Normal na pilipina. Kayumanggi. Di katangusan ang ilong. 5'3" ang taas. Di ko rin naman masabing matalino sya. Akala ko nga may pagkasinto-sinto sya. Pero hindi ko alam kung bakit parang may iba sa kanya. At yun ang nagustuhan ko sa kanya.
Dahil maliit lang naman ang mundo ng classroom, may mga pagkakataon na nagkaka-usap kami. Nagkakakwentuhan. Nagkakatawanan. Nagkakalabasan ng sama ng loob. Minsan sa inuman (pero hindi kami umiinom nun), minsan sa normal na araw lang, madalas sa text message.
Nitong nakaraang linggo lang, nagkayayaan kami ng inuman. Hindi ko inaasahan na sasama at iinom din sya. Alam kong marami siyang problema ng panahong iyon. Nalulungkot nga ako kasi hindi ko sya matulungan, hindi ko alam kung paano.
Nahihilo na ako, konti palang naman nainom ko. Haysss...
Parang tinamaan ako ng kidlat sa sinabi nya. Ito na ba ang pagkakataon ko? Tanong ko sa sarili ko. Hinugot ko lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanya ang sa simula pa lang ay gustong gusto ko ng sabihin sa kanya.
Nahihilo ka na ba? Lika dito. (inurong ko ang inuupuan ko para mapalapit sa kanya) Sandalan mo na lang ako.
Akala ko magiging eksena na sa pelikula ang mga susunod na mangyayari. Yung tipong, lalapit sya at sasandal sakin habang hawak ko ang kanyang kamay. Pero ang lahat ng iyon ay guni-guni ko lang.
Hindi nalang 'tol. Wag na lang. Kapag sumandal ako sayo, lalo akong mahihilo. Tsaka kung meron man akong gustong sandalan si Jay lang yun. ALAM MO NAMAN YUN DI BA...
Natigalgalan ako. Oo nga pala. Mahal parin nya si Jay. Kahit paulit ulit nyang sinasabi na nagmo-move on na sya. Hindi parin napapalitan si Jay sa puso nya.
Hindi ko na maalala kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako sa kwarto ko. At bumungad sakin ang text message niya.
Salamat kagabi ahh. Nakatulog pala ako habang nakasandal sayo. :)
No comments:
Post a Comment