Nalulungkot talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa ikaw na ang gumagawa ng paraan para lumayo o dahil sa wala akong magawa para abutin ka. (o parehas)
Ang hirap kasi, wala akong karapatang kontrolin ka, ang mga kilos mo, ang mga salita mo, ang takbo ng isip mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa puso mo.
At hindi ko yun malalaman kung di mo sasabihin sakin...
at hindi mo rin yun masasabi sakin kung hindi kita tatanungin.
(Sasabihin mo kaya yun kung sakaling tanungin kita? Ewan ko. Ikaw lang ang nakakaalam niyan.)
Habang nasa jeep kanina naisip ko na bitawan na ang delusion na may pag-asa tayong dalawa. Napapagod na ako. Nahihirapan. Nasasaktan.
Ayoko na.
Nagdesisyon na ako.
Kailangan ko ng gumising sa ilusyon na dulot ng nakaraan.
Marahil nga tama ang sinasabi ng utak ko,
Hindi mo siya mahal.
Ang minamahal mo ay ang ideya na mahal mo sya.
No comments:
Post a Comment