Hindi ko alam kung baket Pebrero ang season ng JS Prom. Isinasabay ata sa araw ng mga puso. Para nga naman sweet (pero yung mga in love lang naman ang nag-eenjoy dun).
Kanina, naalala ko si Enn. Kaklase ko siya nung high school. Niligawan niya ako. Mabait naman si Enn, maasikaso. Parang prinsesa nga ako sa kanya. Laging siyang may rose or chocolate na binibigay saken. Hindi ko nga alam kung anung sumapi sa kanya at sobrang baet niya. Muntik ko na nga siyang mahalin eh. Pero, hindi siya ang Prince na iniimagine ko.
Naging makulit sya sa pangliligaw. This brought me to the silliest idea i ever had.
"Eh kung magka-boyfriend ako. Tigilan na nya kaya ako?"
Naisip ko yan kasi hindi ko sya kayang diretsohin na hindi ko siya gusto.
Nagka-boyfriend nga ako nun. Di ko na ikukwento dito. Sa susunod na post ko nalang.
Dumating ang JS Prom, parang halos lahat ng kakilala ko ay nag-eexpect na maisasayaw sila ng *someone special* nila. Of course ako rin, kaya lang di nakapunta si boyfriend kasi nagkalagnat siya. Isinayaw naman ako ng mga kaklase ko bukod kay Enn. Tinanong ko siya kung baket di nya ako niyaya sabe lang niya baka daw magalit si boyfriend. Baka siya pa daw ang maging dahilan ng pag-aaway namen. Aba't ambisyoso si loko. Haha!
Mabilis lang akong kausap. Kung ayaw mo ehh di wag. Pero parang kinakabahan ako. Yun pala dumiretso tong si Enn sa may altar (may Virgin Mary kasi sa may malapit sa Guidance Office) at dun lumuhod at nagdasal with matching taas kamay pa daw sabe ng bestfriend ko. Nakita nya ang lahat ng pangyayari. Sinapian ata ng kung ano si Enn. Masyadong dinamdam na hindi nya ako naisayaw. Well, ang haba ng buhok ng lola mo.
Though sobra na ang pagkahiya ko, tinawag ko parin sya at niyaya ulit na sumayaw. Ako na ang gumawa ng move, baka kasi matorpe eh. Baka rin magpatiwakal. Just kidding.
Siya ang last dance ko ng gabing yun.
Para sakin, mas importante ang last kesa sa first pagdating sa love.
Hopeless romantic nga siguro ako.
After that night, kawawa ako sa mga teacher at kaklase ko. Sobrang hiya ko nun, kulang nalang magpalamon na ako sa lupa.
Years passed, nagkaka-usap parin kame through Facebook. Tumigil na rin siguro sya sa paghihintay sakin. Napagod marahil.
But i liked it that way.
Kaya ngayong JS Prom season, kapag nakakakita ako ng mga batang naka-gown or tux, naaalala ko siya.
Happy memories. :)
No comments:
Post a Comment