Last wednesday bago kami uminom, dumaan muna kami sa Centerpoint para mag-inquire sa Great Image for our Grad Pic at para narin maghanap ng regalo para sa aming dear friend. Muntik na naman akong umiyak. Una, tinuro kasi ni Geli yung babae na naka-wedding dress. Napakasaya nung babae. Di ko alam kung bakit ako umiyak. Siguro kasi I imagined myself that one day I'll be standing in front of the altar with him. But that dream will never come true. Pumangalawa pa ung iyak ko ng kumanta si Tian ng "Hindi mo ba alam" ng Siakol. Medyo sensitive ako sa kantang yun ehh. To ease my pain, ni-revise ko ung lyrics. Just for the sake of fun. It goes like...
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ikaw ay aalis at hindi nag paalam
Nais kong malaman mo na ako'y nag tatampo
Pag nalimutan mo ang magcomment sa mga post ko
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Pag nakikita kitang may ibang ka kwentuhan
Nais kong malaman mo na ako'y nandirito
Pwede ba ako kahit maki usyoso
Ngunit pag sapit ng gabi WALA ka sa 'king tabi
Sa pag ibig mo ako nag sisisi
At pag gising sa umaga maamo mong
Mukha di ko nakikita
Na sa akin ay lubos na nagpa-paligaya.
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ika'y na lulungkot at mata ay luhaan
Nais kong malaman mo yan ay pupunasan ko
Sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo.
*_*
No comments:
Post a Comment