Tuesday, December 28, 2010

Si Papa. Bow.

Kaya ayoko ng bakasyon at idle, kung anu-ano ang naiisip ko. Ang dami ko na namang tanong. Minsan nasasagot ko mismo ang mga gumugulo sa utak ko, pero madalas those query will just be left hanging with the "what ifs".

Isa sa pinakamalaking question mark ng buhay ko ay ang TATAY ko. I mean, my biological father. These past 8years I've been living with a stepdad. Hindi ko talaga alam (o maalala) kung pano mag-alaga ang isang totoong ama.

Naalala ko pa dati (o hanggang ngayon) naiinggit ako sa mga batang may tatay. Yung tipong happy family, yung lagi mong makikita sa commercial ng Birch tree. The cliche of a mother and a father swinging their child on their hands.

For almost 11 years, yung stepfather ko na ang gumaganap sa papel na naiwan (o iniwan) niya. And may I say that my tito did a fair job. Ako lang naman talaga ang rebellous.

Recently, naisip kong hanapin sa Facebook ang tatay ko. Wala lang, nagbabakasakali lang ako. Malay mo naman di ba. Actually, yung crush ko nung elementary ang hinahanap ko sa Fb, naisip ko nalang bigla si papa. Wala namang mawawala kung susubukan di ba?

Pero, sadly, NO RESULTS FOUND sabe ni peysbuk. I did try, pero wala.

Naisip ko tuloy yung laging sinasabe ni mama nung bata pa ako.

"Kung talagang gusto kang makita o hanapin ng papa mo, matagal na syang pumunta sa bahay. Alam naman nya ang address natin sa Makati."

Nakakalungkot lang.

Sunday, December 26, 2010

ONE MORE CHANCE

Isa marahil sa paborito kong pelikulang pilipino ang "One more chance" starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Naalala ko pa na kasama kong nanood nun ang mga kaklase ko nung high school.

I'm not into Filipino movies, para kasing iisa lang ang takbo ng istorya at may mga pagkakataong hindi na ito makatotohanan. Madali ring ma-speculate ang mga pangyayari di tulad ng mga foreign movies specially yung gawang Hollywood.

Hindi ko na ikukwento ang movie na yun dahil malamang sa malamang napanood mo na yun, sa sinehan man o sa telebisyon lang. Baka nga pati yung mga spoof pinanood mo sa youtube.

Why am i making a blog about this?

Para kasing nakakarelate ako sa pelikula. Nakasakit at nasaktan ako. Siguro ganun talaga yun.

Tapos na kame. Matagal na. But alam ko sa sarili ko, deep down in my hypothalamus, i still want him.
Not in a romantic way, i still want him to be my friend.

Mali din kasi ako na i-risk ko ang pagkakaibigan namin para sa isang relasyon na akala ko'y may happy ending.

I need another chance, not to be his girl but to be his friend.

Friday, December 24, 2010

christmas tears

As long as I can remember, lagi nalang akong umiiyak tuwing pasko. Marami akong rason pero di ko na yun iisa isahin. But I'll tell you why i am crying (oo, umiiyak ako ngayon. The very minute that I'm doing this blog).

Nasira kasi yung adapter ng laptop ko, wala naman akong trabaho kaya yung christmas gift ng tito ko ang ginamit ko pangbili. Sabe kasi ni mama gamitin ko muna yun, papalitan nalang nya. I asked her kaninang umaga if she will "pay" me on christmas day. Meron kasi akong gustong bilihin na shoes. Nagalit bigla si mama. Ewan ko kung magkatulad tayo ng magulang, si mama kasi kapag nagalit madakdak at yun ang pinakaayoko sa kanya. And what's worse? Paulit ulit sya. Nakakairita talaga. Sa sobrang inis ko nag-defrost nalang ako ng ref. Kinagabehan, niyaya ko yung pinsan ko na mag-misa de gallo kami. Pumayag naman si mama. Nakauwi kame ng pinsan ko ng mga 11:30 na. Pagdating namin, naka-lock na yung pinto. PATAY. Ibig sabihin kasi nun ay galit na naman si mama. Nagtatatalak na naman siya. Nakakain na kame, all is well. Biglang naalala ni mama yung fruit salad na ginawa ko. Matabang daw. Ayusin ko daw yun kundi malilintikan ako sa kanya bukas. Nakakabadtrip lang, parang napakalaki naman ng kasalanan ko at unforgivable na yun. Gawan ko daw yun ng paraan. So what i did was i put the salad out of the freezer (para lumambot) at nag-alarm ng 4am para dun ko nalang ihalo ang condensed milk. At dumeretso na ako sa kama at natulog. Maya maya, yung tipong malapit ka ng makarating sa kahimlayan, napabalikwas ako dahil sa talak ni mama. Bat ko daw binaba yung salad, mapapanis daw yun. Eh nasa ref parin naman yung salad pano yun mapapanis?! Badtrip talaga ako. Buti nalang nakapagtimpi pa ako kundi baka nasagot ko na si mama at sa labas ako ng bahay matutulog ngayon. Binuksan ko ang lata ng malapot na gatas at sinikap kong ihalo na matigas at nagyeyelong fruit salad. Malabong maihalo ko yung ng maayos. Bahala na. Ewan ko. Naluluha na ako. Tinigilan ko na ang ginagawa ko dahil baka umalat naman ang salad dahil sa luha ko.

Pagbalik ko sa kama hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak... Hindi naman ito marahil sa fruit salad lang. Ang dami lang sigurong "hurt" ang gustong magkumawala ngayong araw na ito.

Sabi nga nila, ang babae kapag umiyak hindi lang yan dahil sa iisang rason kumbaga may roman numeral I at subs a-z.z.z.z...z.

Magkagayun man, papairalin ko parin ang sinabe ni Pope John Paul (di ko maalala kung pang ilan sya pero sya yung sinundan ni pope benedict XVI)...

It is better to shed silent teas than to speak harsh words. Besides, tears cleanse one's soul.

Iyak iyak lang din.

Monday, December 20, 2010

HUGE CRUSH

Sa totoo lang, matagal ko ng gustong gawan ng entry ang topic/title na to. Napulot ko yan sa isang kaibigan at kaklase sa highschool. Syempre sa tulong na rin ng pinakamamahal kong Facebook.

Lahat naman tayo, at some point in our life, nagkagusto sa isang tao. Yung tipo na hindi mo sigurado kung mahal mo na sya pero alam mo sa sarili mo na sya yung hinahanap hanap ng puso mo.

May nakilala ako nung high school, naging kakwentuhan, kakulitan at kaibigan ko sya. Iba kasi ang dating nya sakin. Sya yung average gwapo guy with a twist. Marahil dahil yun sa humor at common sense nya. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Alam ko yun kasi halata naman. Mapa-babae o lalaki, nabibihag ng kamandag nya.

Pinakita ko sa mga kaibigan ko ang picture nya (at syempre through facebook na naman), sabe nila gwapo daw kaya wag na akong umasa. Haha!

Tama naman kasi sila. Gwapo siya. Magmumukha lang akong tsimay kapag tumabi ako sa kanya.

Bakit ba sya ang Huge Crush ko?

Obvious naman ang Looks.
Sumunod dahil sa character and attitude nya. Para kasing napaka-unique and pa-mysterious sya.
And what i like the most about him is his humor.

Nakakatawang nakakatuwa.
Para sakin, jive kame pagdating sa mga trip (ewan ko lang ngayon, baka nagbago na kasi sya ehh).

Bakit sya parin?
Hindi ko rin alam. Marahil kasi wala pa akong nakikita o nakikilala na katulad nya at malalagpasan sya pagdating sa mga aspeto na naikwento ko.

At marahil din, hindi na sya mapapalitan sa puso ko.


But I am not closing the possibility na makakakita pa ako ng hihigit sa kanya. At sana, sya na nga.

Saturday, December 18, 2010

PLAYBALL

Last Dec. 16 nagkayayaan kaming magkakaibigan na uminom, as in inuman session. Hindi ko alam pero parang nahahayok ako sa alak kaya sinabe kong sasama ako. To think that we just had a drink last Dec.11. Naniniwala ako na there are reasons sa bawat actions/decisions ng isang tao. Bakit nga ba ako nagpakalango sa alak?

Noong una, parang trip-trip lang kung bakit ako iinom -- for no particular reason at all. Ewan ko ba at parang tinamaan ako ng magaling nang may mag-text sakin. Si "C". Hindi ko sya pwedeng pangalanan, baka lumaki ulo nya.

Sino ba si C?

Nagkakilala kami through facebook. Sa kwento nya, nakita nya yung nameplate ko. Hindi yung nameplate na tulad ng sa mga nasa prep at elementary ahh. Yung nameplate na tigpi-fifty pesos, na kailangang laging nakadikit sa uniform. I accepted his friend request kasi may common friend kami, si "M". Hindi ko na rin sya papangalanan kasi wala naman siguro syang kamalay-malay sa mga pangyayari. Back to C, naging constant ka-usap ko sya (through FB message at chat). We exchanged numbers, at yun na ang umpisa ng lahat.

Hindi ko alam kung sadyang sweet lang ako sa text o parang nilalandi ko na sya. Ewan ko. Basta isa lang ang malinaw, binigyan nya ng kulay ang mga pinagsasabe ko sa kanya. Hindi nagtagal dumating ang pagkakataon na nagsabay kame sa pagpasok ng PUP (nga pala sa PUP din sya nag-aaral, graduating, HRM yung course nya at 25 na sya). At di na yun nasundan dahil sa isang text message.

C: Lei, I Love You.
Me: The feeling is mutual, i love myself too.
C: haha! Joke lang yun ah.
Me: Oh cge na, may klase na ako. Bye.

Kinagabihan.

C: Lei, sabay tayo bukas.
Me: wala kaming pasok bukas.
C: eh sa Friday?
Me: di ako papasok sa Friday. Maglalakad kami ng seminar.
C: ahh, ganun ba? Cge, di na aq magtetext sayo. Di mo na rin ako makikita uli.

Nagulumihanan talaga ako sa mga sinabe --or tinext nya. Ewan ko ba, parang gusto ko na rin kasi sya. He's qualified. Though hindi sya kasi gwapo ng HUGE CRUSH ko. He's ok.

Totoo naman na mag-aaayos kami ng seminar namen, i'm not making excuses. Pero nagtaka lang ako kung baket ganun ang reaction nya. Ganoon ba talaga ang mga lalaki? At that time, I really don't have any idea what the hell is wrong.

I tried texting him kung kamusta na sya, ang sagot nya parati ay "Ok lang."

Nakakahiya mang aminin pero i did like him. Na-fall yata ako sa kanya. I did assume that he'll be the one i'll be with for an idefinite period of time. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko sya tinulak paalis sakin. Ako na nga siguro ang may problema.

Nasaktan talaga ako sa ginawa nya. He suddenly left me hanging. Siguro kung konting tyaga pa nya, kami na ang magkasama ngayon.

Hindi lang pala puso ang nasasaktan, even ang Ego. At dahil siguro sa ego na to ay naitulak ko na naman sya palayo sakin. Nagtext kasi sya sakin a month ago. Nangungumusta. At dahil nasugatan ang pride ko, ibinalik ko sa kanya ang way ng pagtetext nya sakin. Laging, "ok." "ok lang." "k." ang reply ko sa kanya. Nainis siguro, di na ko nireplyan uli.

But what surprised me was a text message from him lthe night of Dec.16.

From the tone of his text messages, parang normal parin kaming magkaibigan. As if nothing happened. As if he did not hurt me, my heart and my ego.

He was asking me on a date.
May Lantern Festival kasi sa UP. Gusto nya akong isama, nasabi ko kasi dati sa kanya na gusto kong pumunta sa UP. Wala lang, trip lang. I was as cold as ever, pero sa mga text nya, i can feel the warm vibes. Parang wala na talaga sa kanya ang nangyari. Habang ako ay nagpapaka-ampalaya.

Inis na inis ako sa kanya.
Bakit ang bilis nyang magbago?
Bakit parang wala lang nangyari?
Bakit sya ganun?

BAKIT PINAPAASA NA NAMAN NYA AKO?

At dahil sa mga tanong na ito, sinubukan kong kumonsulta sa espiritu ng alak - COLT 45 (wala kasing Hard sa Playball).

Alam ko naman na hindi ako sasagutin ng alak. Na wala naman talaga itong maidudulot na maganda sakin. Pero hinahanap ko kasi yung pakiramdam na nagmamanhid ang lahat ng parte ng katawan mo. Yung tipong, hindi mo na mararamdaman ang anu mang sakit -- kahit panandalian lang.

Thursday, December 16, 2010

CROSSROADS

What makes memory bitter-sweet?
It's when there's a very great moment - a part of one's life perhaps where the person experienced love above friendship.

I used to cling on those days where the
two of us were such great friends.
I thought that I knew you well.
I thought that you feel the same way.
I thought that you love me too,
that you were just afraid to show and tell...
Yet all those thoughts were just but a theory - an assumption.

When the day came that we had to choose
the path we should take.
You chose to leave and go away.
And I was left alone in that icy place of loneliness.
Counting days when you will be back and continue the journey with me.
Yet until now, no "You" is showing up.

Nothing left for me to do except to proceed with my life on the thought that perhaps on the other end of this crossroad we will meet again.


Or maybe, just maybe at the end of this journey, I'll be with someone who will be with me beyond eternity.

Saturday, December 11, 2010

EXCHANGE GIFT

Kahapon, nagcelebrate ang klase ng christmas party. Of course may mga games, intermission numbers, food, prizes at ang pinaka-importante sa lahat "picture taking". Syempre biro lang yun tungkol sa picture taking. EXCHANGE GIFTS talaga ang pinaka-importanteng component ng isang christmas party. (para sakin)

Sa exchange gifts kailangan mong bumunot ng receiver ng regalo. Kung meron kang "petty crush", "medium crush", "huge crush" at "one great love" sa classroom niyo magkakaroon ka ng 2% (assuming na 50 students sa isang klase) na chance na mabunot yung taong iyon and vice versa.

Naalala ko tuloy nung bata pa ako, nabunot ko yung crush ko para sa exchange gift. Hindi ko sinabe sa iba para masupresa siya. Napagtanto ko noon na mahirap palang pumili ng ireregalo para sa taong importate para sayo. At the end, nauwi sa panyo ang regalo ko. Nagustuhan naman nya. Nag-"thank you" pa nga sya eh.

Akala mo ba masaya tong blog post na to? Pwes, mali ka. Punong puno ito ng bitterness. Bakit? Kasi after ng exchange gift namen, may isa pang game at iyon ang tradisyonal na PAPER DANCE. Hindi ko na kelangan i-explain ang mechanics ng larong yun dahil alam kong alam mo yun.

Naasar ako kasi kasali sya sa larong yun at ang masaklap IBA yung kapartner nya. HINDI AKO!!! At ang sweet nilang tignan. Naalala ko pa nga na pinunasan pa nya yung pawis ng kapartner nya, GAMIT YUNG PANYO NA BINIGAY KO!

Lungkot na lungkot ako ng araw na yun. BROKEN HEARTED kumbaga.

But the good thing is, noon pa yun.
Natatawa at natutuwa nalang ako kapag naaalala ko yung moment na yun.

I remember the boy, but i don't remember the feelings anymore. :)

Monday, December 6, 2010

unang entrada

There's always a first time.

Ito ibang magiging talaan ng lahat ng gumugulo sa utak ko na may kinalaman sa pag-ibig.
Maging ito man ay tungkol sakin, tungkol sayo o tungkol sa kanya.

Kung meron man na pagkakapareha alin man na maitatala dito sa nangyari sa buhay mo,
malay mo ikaw talaga yung tinutukoy ko.

WELCOME TO MY HEART!