Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Ang punto kung saan susuko na ako.
Marahil ay napagod na talaga akong maghintay sapagkat wala naman akong hihintayin.
Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam ng pag-ibig ko sayo?
Kailangan ko pa bang sabihin ang mga katagang "Mahal kita." kung ang itutugon mo lamang sakin ay "Salamat pero may mahal na akong iba."
Napagod na ako. Ang tagal ko ng naghihintay sa'yo, ni-hi ni-ho wala akong narinig sayo.
Oh well, ganyan talaga ang buhay... minsan in-love, madalas broken hearted.
But hell! I still have my friends, ba't ba ako nalulungkot.
Naglasing na ako. Umiyak. Binura ang mga messages mo. Ano pa bang dapat kong gawin?
Maghanap ng panibagong mamahalin.
No comments:
Post a Comment