GUSTO KO NA TALAGA MAGKA-BOYFRIEND.
Apat na taon na rin pala akong walang boyfriend. Ewan ko ba, maprinsipyo kasi akong tao. Pinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend sa college kung di lang din "s'ya". Like I'm reserving myself for that special person but it turned out that he has someone special already.
And I also believe in our church's "Season of Life". In this we are taught that there are 3 seasons of life; "time to learn", "time to earn" and "time to marry".
Kaya halos lahat ng tukso/manliligaw (meron naman kahit papano) sakin noong college ay iniwasan ko. Ang hirap no'n ah, alam mo 'yong gustong gusto mo'ng may maghahatid, manlilibre ng pagkain, katext/kausap hanggang madaling araw, kalandian, sumbungan at kung anu ano pa pero kailangan mo s'yang i-give up para sa mga priorities mo. Yung tipong mapapasambit ka nalang ng, "Sana hinintay mo ko, malapit na naman ang graduation. Ba't ang bilis mo'ng nakahanap ng iba?"
Nanghihinayang ako minsan pero saglit lang din. Kapag kasi naaalala ko yung mga yun, bigla nalang nagpa-pop up sa utak ko ang thought na hindi ko sila/s'ya kawalan. Iniligtas ako ng God sa maling tao kasi ayaw Niyang mas masaktan ako.
But that's not the case, iba na ngayon kasi graduate na ako. Legal na akong magkaroon ng "kasintahan". Ngayon pa'ng parang ramdam ko lahat ng kalungkutan at pressure... Lalo na ngayong malamig na ang panahon. Normal lang naman siguro na mag-long ako sa gano'ng klaseng affection. Psychologically, that's normal sa mga batang lumaki na hindi kumpleto ang pamilya. Itanong mo pa yan sa doktor.
Alam ko naman na maraming nagmamahal sakin, nandyan ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang mga kasama ko sa cellgroup (bible study) at ang God... pero kasi deep down in me nandoon yun pagsusumamo ko na magkaroon ng "labidabs". Si Adan nga eh, naramdaman ang ganitong klase ng emptiness. Biruin mo, kaibigan n'ya lahat ng mga hayop tapos close pa s'ya kay God pero di n'ya agad nahanap ang "suitable helper" n'ya. I feel his pain.
Sabi sakin ng leader ko sa cell group na in God's time dadating din s'ya. Pero kelan? Kapag pagod na akong magmahal? Naiinip na talaga ako. Ba't di pa kasi s'ya manligaw ngayon, graduate na naman ako ah... O baka kasi hindi pa s'ya handa o hindi pa s'ya graduate? Ang tagal mo naman, sa tingin ko kasi kailangan na kita ngayon eh.
Gustong gusto na kitang makilala. Gusto ko rin makilala ang magulang mo, hawakan ang iyong mga kamay, yakapin ka ng mahigpit, patawanin ka, tignan ka ng direkta sa mata, hawiin ang buhok mo, amuyin ang kili-kili mo kahit pa ang utot mo. Gusto na kita makasama kaya nalulungkot ako ngayon kasi wala ka parin.
Kailan ka ba dadating?
Kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob para umamin?
Kailan pa?
Kailan ba?
Sana ngayon na.