Thursday, February 24, 2011

2/22/11

Maagang natapos ang seminar, umuwi na ang mga kaklase ko samantalang ako hindi pa pwede kasi wala akong susi ng bahay.
Dapat mauna makauwe si mama o di kaya si tito.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta.

Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi talaga pinag-iisipan ang mga gagawin.
Sabi nga nila, pabugso-bugso.
Naisip ko nalang bigla na tahakin ang pinakamahabang ruta pauwe.

May apat na ruta akong pwedeng pagpilian.

Una ang usual ride ko pauwe -- Pasig (San Joaquin).
Pangalawa ang pa-Boni.
Pangatlo ang pa-Cubao.
Pang-apat ang pa-Punta.

Ginamit ko ang Theory of Deduction ni Sherlock Holmes and I came up with the thought na ang fourth route nalang ang tatahakin ko dahil mas matagal yet convenient sakin.

Dulot narin siguro ng mahabang byahe, napunta ako sa isang malalim na pag-iisip.
Mahirap kapag ganito kasi nagiging emo ako. Samahan pa ng mga nakakalungkot na musika sa playlist. Para talagang eksena sa telenobela.

Bigla kong naisip si *JKL*, dumaan kasi yung jeep malapit sa bahay nila.
Tapos naalala ko ang mga post niya sa Facebook.

"Para kanino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Malamang hindi para sayo." mabilis na tugon din naman ng utak ko.

"Pero pa'no kung para sakin yun?" I insisted.

"Wag kang assume-mera. Kung hindi nga para sayo? Eh, di niloko mo lang ang sarili mo." my mind replied.

Ang sakit talaga kapag ikaw mismo ang nakakadiskubre ng sarili mong katangahan.

Parang winasak ang puso ko tapos dinurog, tinapak-tapakan, dinuraan at sinunog hanggang sa maging 'sing pino ng abo.

Aminado naman ako na deep-down inside umaasa parin ako na sana para kami sa isa't isa. Pero mas malaki ang portion o yung probability na hindi yun magkakatotoo.

Kalabisan naman kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya dahil ako lang din naman ang lugi sa huli.

Sa totoo lang, nasasaktan ako at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Madali kasing sabihin na kalimutan nalang siya o di kaya'y humanap nalang ng iba. Pero kung i-a-apply sa totoong buhay, parang imposible yun.

It hurts because it's real.

Friday, February 18, 2011

Love Letter

Last night, pinahanap ko kay mama ang photocopy ng birth certificate ko. Kailangan kasi para sa correction ng middle name sa registration card. Sa reji kasi may middle name ako whoc is supposedly wala dahil hindi naman kasal ang mga magulang ko at apelyido ni mama ang gamit ko.

Maya-maya tinawag niya ako sabi nya,
"Lei, nakita ko na..."
(there was a short pause)
"Nakita ko na yung love letter sayo ni Carlo Villamer noong Grade Six ka."


Nanlamig ako bigla, sa pagkakaalala ko kasi ay naitapon ko na yun.
Akala ko wala na ang ebidensyang yun.
Itinago pala ni mama. Pinilit kong agawin sa kanya ang mga sulat. but timy dismay, wala akong lakas para kunin yun sa kanya.

Slowly, she read it... ALOUD.

Pwede ba kitang makilala. Ako nga pala si Carlo Villamer.
Alam mo bang may gusto ako sayo sana pumunta ka sa cort
para makilala mo ako.

Alam mo bang araw-araw, oras-oras at minuminuto ay iniisip kiya.
Kahit sa pagtulog ko ay na mi mis kita. Sana mahalin mo rin
ako katulad sa pagmamahal mo sa mga magulang mo. At wag mong
kalilimutan na mag-dasal at ipag-dasal mo narin ako. Ito lang
ang masasabi ko sayo, 'O Babe ako ay talagang patay sayo."
Nakalimutan kong sabihin sayo na saan ka nga pala mag-aaral.

I Love You,
CARLO VILLAMER


eto naman, binigay niya sakin nung valentine's...
Dear Liera,

Hi!!! Kamusta kana pwede ba kitang
makausap mamayang uwian hihintayin kita
sa waiting shade sana pumunta ka dahil
pagod na ko sa kakasulat sayo. Bakit
hindi mo pako sinasagot sa lahat ng
mga letter na para sayo pag pasensyahan
mo na itong sulat ko bahala kanang umin-
tindi nito,

From: Carlo
To: Liera


*note: yung mga maling spelling, yun talaga yung nakalagay sa letter niya. haha!
pagpasensyahan na, bata pa. mahina pa sa spelling. :)

There was a moment of silence, then we burst our hearts out with laughter.
Grabe ang tawa namin (lalo na ako) sa mga maling spelling at poor sentence construction. Nilait pa ni mama yung sulat kamay at design ng papel.

Di ko inaasahan, memories came rushing back to me.
Para akong nag-time travel. Parang may holographic images sa harap ko
at makikita ko ang mga nangyari dati.

Yung moment na "cleaner" (sa public schools kasi uso yan, may specific na grupong naka-assign for each school days. Sila ang mag-aayos ng chairs, magwawalis, mabubura ng black board at magpapagpag nito hanggang sa masinghot na ng bata ang lahat ng alikabok) ako tapos hinihintay niya akong matapos maglinis para sabay kaming umuwi. Eh pilya na ako dati pa, binabagalang naming maglinis (ka-kontsaba ko ang mga kaklase ko)and when he's off guard saka naman ako eeskapo. Oh ha?! Ang utak ko, kasi natatakasan ko sya. Pero mabilis siya tumakbo kaya naaabutan parin niya ako.

Meron pang isang pagkakataon na nakapila kami, may assembly ata noon, nagpapasa siya ng kung anu-anong notes sakin. Nakaka-asar pa kasi pinapatama niya sa ulo ko yung papel para daw maramdaman ko talaga. Muntik na nga siyang mapagalitan kasi nagkakalat siya.

Marami pang ala-ala pero mas mabuting sa memory ko nalang sila mamalagi. Doon naman sila nabibilang eh.

Since graduation nung elementary, hindi na kami masyadong nagkikita. Primarily because lumipat na ako sa Pasig noon. Madalang nalang ako sa Makati. Tsaka, magka-iba kami ng pinasukang paaralan nung high school. Balita ko sa Fort Bonifacio HS siya, eh sa Pio ako. Kaya talagang imposible kaming magkita.

Huli ko siyang nakita noong first year college na ako. Sa may cembo, makati. Papunta kami kina Kim (kaklase ko nung 4th year HS) para magreview for Special Qualifying Exam. Kinabahan ako nun ng sobra kasi nagka-eye to eye contact kami. Ako na unang umiwas ng tingin, ang laki na kasi ng ipinagbago niya. Gumwapo siya ng bonggang bongga. Nanghinayang nga ako eh. haha! pero saglit lang.

Hinahanap ko siya sa facebook pero wala siya. Hindi pa yata uso sa kanila. haha! :)

Wednesday, February 16, 2011

JS Prom

Hindi ko alam kung baket Pebrero ang season ng JS Prom. Isinasabay ata sa araw ng mga puso. Para nga naman sweet (pero yung mga in love lang naman ang nag-eenjoy dun).

Kanina, naalala ko si Enn. Kaklase ko siya nung high school. Niligawan niya ako. Mabait naman si Enn, maasikaso. Parang prinsesa nga ako sa kanya. Laging siyang may rose or chocolate na binibigay saken. Hindi ko nga alam kung anung sumapi sa kanya at sobrang baet niya. Muntik ko na nga siyang mahalin eh. Pero, hindi siya ang Prince na iniimagine ko.

Naging makulit sya sa pangliligaw. This brought me to the silliest idea i ever had.

"Eh kung magka-boyfriend ako. Tigilan na nya kaya ako?"

Naisip ko yan kasi hindi ko sya kayang diretsohin na hindi ko siya gusto.

Nagka-boyfriend nga ako nun. Di ko na ikukwento dito. Sa susunod na post ko nalang.

Dumating ang JS Prom, parang halos lahat ng kakilala ko ay nag-eexpect na maisasayaw sila ng *someone special* nila. Of course ako rin, kaya lang di nakapunta si boyfriend kasi nagkalagnat siya. Isinayaw naman ako ng mga kaklase ko bukod kay Enn. Tinanong ko siya kung baket di nya ako niyaya sabe lang niya baka daw magalit si boyfriend. Baka siya pa daw ang maging dahilan ng pag-aaway namen. Aba't ambisyoso si loko. Haha!

Mabilis lang akong kausap. Kung ayaw mo ehh di wag. Pero parang kinakabahan ako. Yun pala dumiretso tong si Enn sa may altar (may Virgin Mary kasi sa may malapit sa Guidance Office) at dun lumuhod at nagdasal with matching taas kamay pa daw sabe ng bestfriend ko. Nakita nya ang lahat ng pangyayari. Sinapian ata ng kung ano si Enn. Masyadong dinamdam na hindi nya ako naisayaw. Well, ang haba ng buhok ng lola mo.

Though sobra na ang pagkahiya ko, tinawag ko parin sya at niyaya ulit na sumayaw. Ako na ang gumawa ng move, baka kasi matorpe eh. Baka rin magpatiwakal. Just kidding.

Siya ang last dance ko ng gabing yun.
Para sakin, mas importante ang last kesa sa first pagdating sa love.
Hopeless romantic nga siguro ako.

After that night, kawawa ako sa mga teacher at kaklase ko. Sobrang hiya ko nun, kulang nalang magpalamon na ako sa lupa.

Years passed, nagkaka-usap parin kame through Facebook. Tumigil na rin siguro sya sa paghihintay sakin. Napagod marahil.
But i liked it that way.

Kaya ngayong JS Prom season, kapag nakakakita ako ng mga batang naka-gown or tux, naaalala ko siya.

Happy memories. :)

Sunday, February 13, 2011

NAPANAGINIPAN SI *JKL*

Napanaginipan ko siya. Matagal ko ng hinihintay na mangyari yun. Ewan ko kung matagal ko na siyang napapanaginipan, pero yung kagabi lang ang naaalala ko.

Sa panaginip ko, ibang iba na sya. Mas matangkad, pero yung boses niya ganun parin (yun marahil ang boses niya sa ala-ala ko). Tulad ng ibang panaginip, ang hirap arukin ng pinapahiwatig nito.

Nasa school sya (sa PUP) hindi bilang bisita pero bilang estudyante. At sa kabilang wing lang sya ng room namen. kumbaga magkatapat ang classroom namen. Dumaan ako, tinawag niya ako, nag-usap kami at tumawa. Inayos nya rin ang laptop ko, may loose kasing turnilyo, tinuruan niya akong mag-hack ng wi-fi connection (hindi na malinaw ang parteng ito, sayang).Pinapasok niya ako sa kwarto para mag-sit-in sa klase nila. Napagalitan ako ng prof nila at pinalabas, sinundan niya ako at hinatid sa bahay. Kahit sa panaginip, alam kong kinikilig ako.


Recently, nabasa ko ang librong PSYCHOANALYSIS - Interpretation of Dreams by Sigmund Freud. Hindi ako psych-student pero nag-enjoy akong basahin ang librong to. Feeling ko kasi lalo kong nakikilala ang sarili ko.

Alam ko kung bakit ko sya napanaginipan (that is because i stared to long on his picture), pero hindi ko alam kung bakit sa diname dame ng panaginip ko, yun pa ang naalala ko. Pwede naman ung panaginip ko kung saan nabalanse ko na ang financial statements namen pero hindi.

Kahit ilang ulit na nya akong nire-reject (kahit di nya alam).
Kahit ilang ulit na nya akong sinasaktan (kahit di nya alam).
Kahit ilang ulit na nya akong binabale wala (kahit di nya alam).
Mahal ko parin pala sya kahit di nya alam.

Wednesday, February 2, 2011

HE CALLED ME

Sa totoo lang, ayoko talaga ng may tumatawag sakin sa telepono.
Hindi kasi ako sanay. Pwede namang i-text nalang bat kelangan pang tumawag.
Hindi talaga ako komportable lalo na kapag lalaki ang tumatawag sakin.

Naalala ko tuloy ung ex boyfriend ko.
Nung High school kasi uso ang mag-SUN Cellular kapag may boyfriend o girlfriend ka.
Booming kasi ang Unlimited Call promo nila.
Biruin mo yun sa maliit na halaga, pwede mo ng makausap ang love one mo, abroad!
Pwede ka na rin magkaroon ng kunwaring boyfriend.

Balik tayo sa kasalukuyan, may tumawag kasi sakin kagabe.
Kaklase ko sya nung high school. Umpisa pala sinabe ko na sa kanya na pwede nya akong tawagan pero hindi ibig sabihin nun sasagutin ko ang tawag nya.
At first, firm talaga ako na hindi ko sasagutin, pero nakonsensya ako kaya hinayaan ko nalang sya.

Sa totoo lang natutuwa ako sa taong to kasi hindi siya madaling sumuko.
Naiingit nga ako sa kanya kasi parang ang tapang nya.
Kung tutuusin, dapat hindi na nya ako kinakausap ngayon ehh.
Ilang beses ko na kaya syang ni-reject but stil nandyan parin sya.

Hindi naman sya mahirap mahalin.
(kung ugali lang ang pagbabasehan)

Pero ganun pala talaga kapag meron ka ng SOMEONE SPECIAL kahit ano pang gawin ng iba, hindi ka parin bibigay.

GUSTO KO NA TALAGANG SUMUKO

Nalulungkot talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa ikaw na ang gumagawa ng paraan para lumayo o dahil sa wala akong magawa para abutin ka. (o parehas)

Ang hirap kasi, wala akong karapatang kontrolin ka, ang mga kilos mo, ang mga salita mo, ang takbo ng isip mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa puso mo.

At hindi ko yun malalaman kung di mo sasabihin sakin...
at hindi mo rin yun masasabi sakin kung hindi kita tatanungin.
(Sasabihin mo kaya yun kung sakaling tanungin kita? Ewan ko. Ikaw lang ang nakakaalam niyan.)

Habang nasa jeep kanina naisip ko na bitawan na ang delusion na may pag-asa tayong dalawa. Napapagod na ako. Nahihirapan. Nasasaktan.

Ayoko na.
Nagdesisyon na ako.
Kailangan ko ng gumising sa ilusyon na dulot ng nakaraan.

Marahil nga tama ang sinasabi ng utak ko,
Hindi mo siya mahal.
Ang minamahal mo ay ang ideya na mahal mo sya.