Tuesday, December 28, 2010

Si Papa. Bow.

Kaya ayoko ng bakasyon at idle, kung anu-ano ang naiisip ko. Ang dami ko na namang tanong. Minsan nasasagot ko mismo ang mga gumugulo sa utak ko, pero madalas those query will just be left hanging with the "what ifs".

Isa sa pinakamalaking question mark ng buhay ko ay ang TATAY ko. I mean, my biological father. These past 8years I've been living with a stepdad. Hindi ko talaga alam (o maalala) kung pano mag-alaga ang isang totoong ama.

Naalala ko pa dati (o hanggang ngayon) naiinggit ako sa mga batang may tatay. Yung tipong happy family, yung lagi mong makikita sa commercial ng Birch tree. The cliche of a mother and a father swinging their child on their hands.

For almost 11 years, yung stepfather ko na ang gumaganap sa papel na naiwan (o iniwan) niya. And may I say that my tito did a fair job. Ako lang naman talaga ang rebellous.

Recently, naisip kong hanapin sa Facebook ang tatay ko. Wala lang, nagbabakasakali lang ako. Malay mo naman di ba. Actually, yung crush ko nung elementary ang hinahanap ko sa Fb, naisip ko nalang bigla si papa. Wala namang mawawala kung susubukan di ba?

Pero, sadly, NO RESULTS FOUND sabe ni peysbuk. I did try, pero wala.

Naisip ko tuloy yung laging sinasabe ni mama nung bata pa ako.

"Kung talagang gusto kang makita o hanapin ng papa mo, matagal na syang pumunta sa bahay. Alam naman nya ang address natin sa Makati."

Nakakalungkot lang.

No comments:

Post a Comment