Kahapon, nagcelebrate ang klase ng christmas party. Of course may mga games, intermission numbers, food, prizes at ang pinaka-importante sa lahat "picture taking". Syempre biro lang yun tungkol sa picture taking. EXCHANGE GIFTS talaga ang pinaka-importanteng component ng isang christmas party. (para sakin)
Sa exchange gifts kailangan mong bumunot ng receiver ng regalo. Kung meron kang "petty crush", "medium crush", "huge crush" at "one great love" sa classroom niyo magkakaroon ka ng 2% (assuming na 50 students sa isang klase) na chance na mabunot yung taong iyon and vice versa.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako, nabunot ko yung crush ko para sa exchange gift. Hindi ko sinabe sa iba para masupresa siya. Napagtanto ko noon na mahirap palang pumili ng ireregalo para sa taong importate para sayo. At the end, nauwi sa panyo ang regalo ko. Nagustuhan naman nya. Nag-"thank you" pa nga sya eh.
Akala mo ba masaya tong blog post na to? Pwes, mali ka. Punong puno ito ng bitterness. Bakit? Kasi after ng exchange gift namen, may isa pang game at iyon ang tradisyonal na PAPER DANCE. Hindi ko na kelangan i-explain ang mechanics ng larong yun dahil alam kong alam mo yun.
Naasar ako kasi kasali sya sa larong yun at ang masaklap IBA yung kapartner nya. HINDI AKO!!! At ang sweet nilang tignan. Naalala ko pa nga na pinunasan pa nya yung pawis ng kapartner nya, GAMIT YUNG PANYO NA BINIGAY KO!
Lungkot na lungkot ako ng araw na yun. BROKEN HEARTED kumbaga.
But the good thing is, noon pa yun.
Natatawa at natutuwa nalang ako kapag naaalala ko yung moment na yun.
I remember the boy, but i don't remember the feelings anymore. :)
No comments:
Post a Comment