Friday, December 24, 2010

christmas tears

As long as I can remember, lagi nalang akong umiiyak tuwing pasko. Marami akong rason pero di ko na yun iisa isahin. But I'll tell you why i am crying (oo, umiiyak ako ngayon. The very minute that I'm doing this blog).

Nasira kasi yung adapter ng laptop ko, wala naman akong trabaho kaya yung christmas gift ng tito ko ang ginamit ko pangbili. Sabe kasi ni mama gamitin ko muna yun, papalitan nalang nya. I asked her kaninang umaga if she will "pay" me on christmas day. Meron kasi akong gustong bilihin na shoes. Nagalit bigla si mama. Ewan ko kung magkatulad tayo ng magulang, si mama kasi kapag nagalit madakdak at yun ang pinakaayoko sa kanya. And what's worse? Paulit ulit sya. Nakakairita talaga. Sa sobrang inis ko nag-defrost nalang ako ng ref. Kinagabehan, niyaya ko yung pinsan ko na mag-misa de gallo kami. Pumayag naman si mama. Nakauwi kame ng pinsan ko ng mga 11:30 na. Pagdating namin, naka-lock na yung pinto. PATAY. Ibig sabihin kasi nun ay galit na naman si mama. Nagtatatalak na naman siya. Nakakain na kame, all is well. Biglang naalala ni mama yung fruit salad na ginawa ko. Matabang daw. Ayusin ko daw yun kundi malilintikan ako sa kanya bukas. Nakakabadtrip lang, parang napakalaki naman ng kasalanan ko at unforgivable na yun. Gawan ko daw yun ng paraan. So what i did was i put the salad out of the freezer (para lumambot) at nag-alarm ng 4am para dun ko nalang ihalo ang condensed milk. At dumeretso na ako sa kama at natulog. Maya maya, yung tipong malapit ka ng makarating sa kahimlayan, napabalikwas ako dahil sa talak ni mama. Bat ko daw binaba yung salad, mapapanis daw yun. Eh nasa ref parin naman yung salad pano yun mapapanis?! Badtrip talaga ako. Buti nalang nakapagtimpi pa ako kundi baka nasagot ko na si mama at sa labas ako ng bahay matutulog ngayon. Binuksan ko ang lata ng malapot na gatas at sinikap kong ihalo na matigas at nagyeyelong fruit salad. Malabong maihalo ko yung ng maayos. Bahala na. Ewan ko. Naluluha na ako. Tinigilan ko na ang ginagawa ko dahil baka umalat naman ang salad dahil sa luha ko.

Pagbalik ko sa kama hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak... Hindi naman ito marahil sa fruit salad lang. Ang dami lang sigurong "hurt" ang gustong magkumawala ngayong araw na ito.

Sabi nga nila, ang babae kapag umiyak hindi lang yan dahil sa iisang rason kumbaga may roman numeral I at subs a-z.z.z.z...z.

Magkagayun man, papairalin ko parin ang sinabe ni Pope John Paul (di ko maalala kung pang ilan sya pero sya yung sinundan ni pope benedict XVI)...

It is better to shed silent teas than to speak harsh words. Besides, tears cleanse one's soul.

Iyak iyak lang din.

No comments:

Post a Comment